Sabay winelcome ng mag-inang Roselle at Mother Lily Monteverde si Richard Yap sa isinagawang contract signing kamakailan para sa pagbibida ng aktor sa “Mano Po7” na sisimulan na ngayong July.
Naikuwento ni Richard Yap sa Q and A part ng contract signing ang tungkol sa pag-ayaw ng family niya nang pakasalan ang misis niya na isang Pinay. Tinanggal siya sa family business, pero nang magkaroon ng anak na lalaki, nanumbalik ang pagmamahal ng magulang sa kanya.
“I’ve been very open about that. Nasabi ko na rin ‘yon before, pero hindi lang masyado sigurong na-pick up. I think my experiences in the past would be a great help. I think that’s one of the inspirations that could guide me,” kuwento pa niya.
Dumaan din daw siya sa tinatawag na fixed marriage sa kapwa niya Chinese.
“Gusto ng tatay ko na ipakasal ako noon sa isang Chinese. Kaya lang, matigas talaga ang ulo ko. Hindi ako sumunod. Kaya hindi talaga ako naging favorite niya,” sabi pa niya.
“But I think you really have to stick up kung sino ang gusto mong pakasalan. So I chose to go who I wanted to marry,” dagdag pa ng aktor.
Nakatakdang magsyuting sa China ang cast ng “Mano Po7” na kinabibilangan din nina Jean Garcia at Janella Salvador. ‘Yung ibang artistang kasama sa pelikula ay hindi pa mai-announce dahil wala pa raw confirmation.
La Boka
by Leo Bukas