Ricky Rivero’s case, not a network issue

ISANG ACTIVE SUBSCRIBER sa website na Think TV ang nag-post sa Facebook, enumerating all four alleged gay victims na mula sa ABS-CBN, the latest of whom ay si Ricky Rivero.

Pero kakaiba naman ang kaso ni Ricky who cheated death, having survived the near-fatal incident sa kabila ng tinamo niyang labing-pitong saksak sa kamay ng nag-ngangalang Hans Ivan Ruiz. Ang nauna kasing tatlo—who held various positions with Channel 2—were dead on the spot, right at their residences.

Agad akong nag-comment sa taong nag-post na ‘yon, nagkataon lang na mga empleyado o talent sila ng ABS-CBN.  Therefore, this is not a network issue as it can happen to anybody, na sa kawalan ng wastong pag-iingat in their sexual indiscretions ay ito pa ang maglalagay sa kanila sa kapahamakan.

Hindi namin mino-moralize ang isyu, we would rather “actualize” such inevitable circumstance involving virtual strangers masquerading as good souls, na ang ending ay gagawin ka palang literal na soul!

All four instances bear a similar pattern. Hindi gaano kilala ng mga biktima ang mga taong agad nilang pinagkatiwalaan, kaya based on this premise ay bakit kailangang iuwi sila sa bahay? Kung hindi talaga mapipigilan ang tawag ng laman, there are motels (but choose the reputable ones) that impose strict rules on short-timers. Mas mababa ang incidence of physical assault on the victim.

By bringing them home like fastfood bought elsewhere, isang maliwanag na imbitasyon na ‘yon para gumawa ng masama ang mga ito amidst the visual display of items convertible to cash around them.

To top it all, pardon me, imbes na makakuha ng simpatya ang biktima ay lilibakin pa siya, whether dead or alive, for his gross carelessness.

COPS DISCHARGED FROM service are required to surrender their firearms, walang iniwan ito sa mga sinibak na dancers ng Wil Time Big Time who were issued vehicles na kailangan din nilang isoli.

Ang host ng programang si Willie Revillame effected the mass termination of erring dancers on the grounds of tardiness.  Ang pagiging late ay senyales ng kawalan ng propesyonalismo at pagmamahal sa trabaho. And if this attitude persisted, this would surely backfire on the whole production na pinagsusumikapan ngang ibangon ni Willie after its threatening downfall one after another.

This would compromise Willie’s image before the TV5 executives, ito ba ang uri ng mga tauhang ipinaglaban niya noon pero wala palang malasakit sa pagkakataong muling ipinagkaloob sa kanila?

As of presstime, not a single vehicle has been returned kahit maliwanag na naka-MR (memorandum receipt) ang mga sasakyang ito sa mga tsinuging dancer. Ang tanong: sa pagpupumilit ng mga ito sa hindi pagsosoli ng mga kotse, can the dancers be charged with carnapping?

PILIT BINABAWI NI Alice ang kanyang biological daughter na si Lori (not her real name) mula sa adoptive mother nitong si Karen. But Karen stands her ground, siya nga naman ang nagpalaki kay Lori sa loob ng labing-pitong taon noong inabandona ito ni Alice, tapos ay bigla na lang itong susulpot?

Mariing itinanggi ni Lori na minamaltrato siya ng nakagisnang ina, kaya lalong nagsusumigaw ang damdamin ni Karen para sabihing “Ikaw Nga Ang Nanganak… Pero Ako Naman Ang Kinikilalang Ina Ng Iyong Anak!” Ngayong Lunes ang kuwentong ito sa Face To Face.

Siyempre, hindi kumpleto ang buong linggo ng FTF kung walang episode tungkol sa kabaklaan, kaya tunghayan bukas, Martes, ang kuwentong pinamagatang “Be-king Kulelat Sa Sagala, Nawalan Pa Ng Papa!”

Niluto raw ng sagala organizer na si Jerjay ang event kaya pinanalo ang pinsang si Daging, ayon sa talunang si Mhaki. Pero may malalim na anggulo pa raw ang pag-i-scam ni Jerjay sa kontes dahil dati pala niyang dyowa ang boylet ngayon ni Mhaki. Abangan ang tilian ng mga sawsawero’t sawsawera nang lumantad ang mhin sa buhay ng dalawang beki, proud na inaming nagmahal siya ng bakla!

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleArci Muñoz, not yet ready to go daring
Next articleMatteo Guidicelli and Maja Salvador, happy with each other

No posts to display