MASUWERTE ANG newest child wonder na si Larah Claire Sabroso, 9 years old from Davao City at si Julia Klarisse ng Manila, 8 years old, dahil sila ang nakuhang maging bida sa libu-libong nag-audition sa Luzon, Visayas at Mindanao para sa drama series na May Isang Pangarap ng ABS-CBN.
Say ni Direk Jerry Lopez-Sineneng. “Mahirap ipaliwanag, nu’ng una kong nakita ‘yung lima, sa utak ko, single out ko na itong dalawa kasi, I read the script, na-discuss na sa akin ‘yung istorya. Si Julia, bagay ito sa role ni Julia. Si Larah, bagay ito sa role ni Larah. There’s something in them I suppose. Si Larah, nakita ko ‘yung mata, very expressive. Unang tanong agad namin, ang sagot niya, madamdamin that caught my attention. Si Julia, bibang-biba, naggi-gitara ang batang ‘yan. Walang kaba, hindi nahihiya at matalino.”
Pangarap ni Julia na maging sikat na singer at maging artista. Gusto nitong maging proud sa kanya ang parents niya. Parang teleserye ng totoong buhay ang kuwento ni Lara, puwedeng MMK. Naninirahan sa isang liblib na baryo sa Davao na walang kuryente. Hindi nakapag-aaral dahil sa kahirapan. Pagiging isang professional singer ang gustong marating ni Larah. Pangarap niyang makatulong sa pamilya para maiahon sa kahirapan at mapa-opera ang kapatid na may sakit. Thanks to the production (MIP) at Star Magic, tutulungan nila si Larah na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral para sa magandang kinabukasan nito.
Kasama rin sa cast si Rico Blanco na nagbabalik-Kapamilya. After Imortal, nag-concentrate uli siya sa pagiging lead vocalist ng kanyang band. Why all of a sudden, balik-telebisyon na naman ang singer/actor? “‘Yung acting is always been an option. Sa overall, tinitignan namin kung ano ‘yung ipa-prioritize sa career. I guess, for the first part of my career, nag-put-up muna ako ng pangalan sa music. Although even then before, gusto ko ring entertain ang acting. Itong project, right project and the right time tapos okay naman sa schedule, kaka-release ko lang ng album… so, walang recording. Nag-timing lang talaga at maganda ‘yung role na ibinigay sa akin so, mahirap tumanggi,” tugon ni Rico.
Inamin nina Vina Morales at Carmina Villaroel na naiilang sila nu’ng unang kaeksena nila si Rico B. First time kasi nilang nakatrabaho sa isang soap ang binata. Kahit magkaibigan sina Vina at Rico dahil pareho silang singer, nagkakahiyaan rin ang dalawa tuwing take.
“Naging komportable na kami sa role, hindi na namin naisip ‘yung pagkakaibigan namin,” say ni Vina.
“Nu’ng makatrabaho ko si Rico, very refreshing, nagulat ako. First time ko siyang nakatrabaho, bagay siya sa role. Very sincere, very pure naman ang acting niya. Hindi lang siya fantastic singer, okay na okay rin siya as an actor,” dugtong naman ni Carmina.
Ayon sa executive producer, nahirapan pala ang producer ng nasabing teleserye na hanapin ‘yung actor for the role ni Rico as the father of Larah. Gusto kasi nila, bago dahil i-introduce nila ang dalawang bagong child wonders. Nagkataong sa list ng gusto nila, si Rico ang i-cast. Pinursige nilang mapapayag ang binata through the coordination of Warner Music. Mabuti na lang at tinanggap nito dahil alam ni Rico na bagay sa kanya ‘yung role.
Bakit hindi isang reality show para sa mga bata itong nationwide search? “Ito’y reality program, pero nu’ng nag-usap-usap na kami, parang nakakapagod na ang reality show. Pangalawa, wala tayong time slot to air that, ‘di ba? So, we decided as a team with the creative and administrative at production na why not we pick the two little girls with abundance of talents. Tinaya namin ang buong puso, isip at kaluluwa namin sa dalawang bata. Since we know that producing drama is one thing that we are really good at without being mayabang about it. Itawid na ito, huwag na tayong i-shortcut pa, huwag na tayong mag-long way. We believe through this teleserye, the core drama, mararamdaman ng televiewers ang buhay ng dalawang bata on screen and off screen,” paliwanag ni Roxy.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield