GINAWA KO LANG kung ano’ng ipinagagawa sa akin ng direktor. Hindi naman kailangang sabihin kong na-arouse ako porke si Cristine Reyes ang kaeksena ko.
“Si Cristine, eh parang kapatid ko na lang ‘yan, kaya ba’t naman ako maa-arouse sa eksena namin?”
Ano ba’ng eksena nila sa “Tumbok”?
“Eh, kung ikukuwento ko, parang mape-preempt ‘yung eksena. Pagalitan pa ‘ko ni Direk Topel Lee. Panoorin n’yo na lang sa May 4 para hindi naman ako KJ!” sey ni Ryan Eigenmann na masalimuot din ang papel na ginagampanan sa suspense-horror na offering ng Viva Films at may premiere night din sa May 3, 7pm sa SM Megamall Cinema 10.
Sana naman, hindi galit sa amin si Ryan! Hahaha!
ITO’Y OPINYON LANG namin, ha? At sana’y ‘wag namang mapikon ang 21 mayors na pumirma ng resolution na ideklarang persona non-grata si Aiko Melendez porke kabanggaan nito ngayon ang mayor ng Bulacan, Bulacan.
Tinatanong namin si Aiko kung “inokray” o may sinabi ba itong bad tungkol sa isang pagiging Bulakenyo o sa kultura ng mga Bulakenyo. Hindi naman daw.
Unang-una, hindi nakikipagbanggaan si Aiko. Me nag-raise lang ng isyu tungkol sa diumano’y mga DMs (o direct messages) ni Aiko sa isang kaibigan ng diumano’y planong pagsira sa reputasyon ng ex-boyfriend ni Aiko at palabasin itong bakla at may relasyon sa mayor naman ng Pandi, Bulacan na si Mayor Enrique Roque.
Sino ba ang nagsimula ng isyu? Eh, ang nakakalokah nito, naturingang mayor ang kalaban ni Aiko, ba’t hindi muna nila inimbestigahan ang lahat bago tumalon sa konklusyon?
Personal naman ang laban ng isang mayor nila, ba’t damay pati buong Bulacan? Ang weird, ‘di ba? Ano ba ‘yon?
Sa pakikisama siguro ay kabibiliban namin ang lahat ng mayors, pero pa’no kung merong isang “maliit” na tao na kalaban din ng isang mayor?
Ano ‘yon? Idedeklara na rin itong persona non-grata without due process?
Personal issue, ba’t kailangang makialam ng ibang mayors?
Andu’n ba sila during the relationship? Alam ba nila ang punu’t dulo ng lahat para – sa masakit na salita’y – makisawsaw sila sa isyung hindi naman nila isyu?
“Persona non-grata”?
Baket?
Hindi kaya dapat ito’y “personal non-grata”?
Hay, naku… kung gusto lang nilang makisama o kaya eh sige na, pinaniniwalaan nila ang ipinaglalaban ng kanilang “nadehadong” co-mayor, eh wala namang problema doon.
Pero ba’t gano’n? Ang unang-unang umaalma ay ang mga constituents nila? Ba’t daw “banned” si Aiko sa kanilang lalawigan?
“’Pag sa amin bang karaniwang mamamayan nangyari ‘yung nangyari sa isang mayor, puwede ba naming i-request sa governor namin na i-ban sa Bulacan si Aiko, dahil inaaway kami?”
Hay, nako… basta kami, ang iniisip na lang namin, dikta ng kunsensiya ang nagtulak sa kanila para pumirma sa resolution na ideklarang persona non-grata si Aiko.
Habang kami’y nawiwirduhan pa rin sa mga pangyayari hanggang ngayon.
AYAN, MAY MAISASAGOT na kami sa paulit-ulit na tanong sa aming Facebook fanpage (The Ogie Diaz) at Twitter account (@ogiediaz) kung si Enchong Dee ba ay dumalaw man lang sa wake ni AJ Perez o nakipaglibing man lang ba ito?
Nakausap namin si Enchong sa backstage ng ASAP Rocks at ang sabi nito, “Hindi nga ako nakapunta, eh. Kasi nga, na-extend ako sa US.
“Pero straight from the airport, nagpunta ako sa puntod ni AJ, nagdasal ako!”
Buti, hindi siya naligaw sa loob ng Manila Memorial Park?
“Hindi naman. Kasi, ang daming may alam na hardinero at sepulturero du’n kung nasaan exactly ‘yung puntod ni AJ.”
Sasayaw na kasi si Enchong, kaya hindi na namin naitanong kung anong iniwan niyang huling paalam kay AJ bago niya lisanin ang puntod ng kanyang kaibigan.
Sa mga hindi nakakaalam, dati nang kagrupo ni Enchong si AJ.
Oh My G!
by Ogie Diaz