PAGIGING MANG-AAWIT ang unang passion ni Rita de Guzman (apo ng batikang komedyante si Teroy de guzman) bago siya naging artista. Sa pagiging singer unang na-discover ang young star ng GMA Artist Center. Palibhasa may angking ganda at karisma, marunong pang umarte kaya’t nagkasunud-sunod ang kanyang shows sa GMA 7.
Ayon kay Rita, ini-enjoy naman niya ang pagiging artista kahit puro supporting role pa lang ang napapasakamay niya sa ngayon. Gusto ng dalagang itayo ang bandera ng kanyang Lolo Teroy kaya siya pumasok sa showbiz. Kung buhay raw ang lolo niya, hindi raw siya papayagang nitong mag-artista. Kahit nga ‘yung mga anak ni Mang Teroy ay hindi pinayagang mag-showbiz. Hindi nila naranasan kung ano ang buhay-showbiz.
“Feeling ko naman, magiging proud si Lolo kung buhay siya ngayon. Na-recognize nila ako bilang comedienne sa One True Love, so parang gusto ko siyang i-push ngayon. Kontrabida na comedienne kaya medyo challenging ito sa akin ngayon. Hindi ko po matututunan ‘yung timing kung hindi dahil kay Benjie Paras at kay Lola Caring (Caridad Sanchez). Sila po ‘yung mga kasama ko sa soap. Sabi nila, ‘Hindi raw naituturo, ikaw mismo ang gumagawa nu’n. Ina-advice po nila ako palagi, paulit-ulit nagtatanong pa din po ako sa kanila.”
Excited na ikinuwento ni Rita na mag-o-audition siya sa Ms. Saigon this November. Ngayon pa lang, ibayong paghahanda ang ginagawa ng singer/ comedienne para sa nalalapit na audition ng nasabing international musical play. “Actually, nagsimula lang po sa Twitter, may nag-tweet sa akin na mag-audition raw ako sa Ms. Saigon. Fans ko po ang nagsasabi na mag-try po ako. Tapos nakita ko rin po sa TV na may announcement na naghahanap sila ng bagong Kim for Ms. Saigon. Ang auditon po mag-i-start ng November 19 to 22 sa Makati. Agad ko pong isinulat sa notebook ko. Sabi ko sa sarili ko, it’s an epic project. Everyday po, pina-practice ko ‘yung kanta. Everyday, seryoso kong pinakikinggan ‘yung songs. Pinapag-aral po ako ni Direk Mark (Reyes) ng dalawang kanta sa Ms. Saigon. Tapos nu’ng nagte-taping kami ni Direk Mark ng ‘Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa’, he ask me kung ilang taon na ako. Sabi ko, seventeen po. Tinanong uli ako ni Direk kung interesado ba raw ako ? Sabi ko,yes po. He’s willing to help me. Pag-aralan ko raw ‘yung songs na ‘Sun and Moon and ‘I Give My Life For You’. ‘Yun po ‘yung songs na pinag-aaralan ko everyday. Kapatid po ni Nonoy Zuñiga ang voice coach ko. Noong nag-uumpisa po ako, si Kitchi Molina ang voice coach ko po. Nakatutuwa po dahil pati GMA Artist Center, all out ang support sa akin. Nakakataba po ng puso na marami ang nagmamahal sa akin. Gagawin ko po ang lahat para hindi ako mapahiya sa suportang ibinibigay nila sa akin, pati na rin ng family ko.”
At seventeen turning eighteen this November, may someone special na kaya si Rita? “Sa love, mayroon ba? Nakakaloka! Siyempre, mayroon po ‘yung family and friends. Mayroon naman pong nagpaparamdam pero alam po naman nila na hindi pa pupuwede. Okay lang po friends naman. Next year puwede na po ‘yun, sabi ng Mommy ko. Kung liligawan ako ni Sid Lucero? Opo. Pabatain natin, puwede si Alden Richards. Aaminin ko, isa akong fan niya. Isa siyang mahusay na actor, very professional siya. Anong malay natin, ‘di ba?” Walang kagatul-gatol na pag-amin ni Rita de Guzman. ‘Yun na.
Mabibigat ‘yung makakasabay niya sa audition, may kaba’t takot na nararamdaman si Rita. “Siyempre, kahit nagsi-show ako at paulit-ulit ‘yung ginagawa ko, kinakabahan pa rin po ako. May kaunting pressure pa rin po kahit ano pa ‘yung ginagawa ko.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield