MAGTATAPOS NA ang kauna-unahang Primetime series ng special Kapuso loveteam nina Rita Daniela at Ken Chan na kilala din bilang ‘RitKen’ na ‘One of the Baes’, which is produced by GMA News and Public Affairs.
Matatandaan na isang malaking surprise ang success ng tambalan nina Rita at Ken na nag-umpisa sa GMA Afternoon Prime series na ‘My Special Tatay’ noong 2018. Noong una kasi ay pinupush ng management na si Arra San Agustin ang magiging main love interest ni Ken sa programa habang kontrabida naman si Rita.
Dahil lovable ang mga characters nila at mas nakitaan sila ng natural chemistry, dumami ang request mula sa loyal viewers na sana ay sina Boyet at Aubrey ang magkatuluyan. Dahil sa proyektong ito ay marami ang nakapansin muli sa dalawa at dumagsa na ang maraming projects. Isa sa mga major follow-up projects ng dalawa ay itong ‘One of the Baes’.
Dito ay mas focused sa karakter ni Jowalyn Biglangdapa (o Jowa played by Rita) na nangarap maging ship captain at sinubukan na hindi ma-distract sa love. Ang kaso, isang environmental vlogger named Grant (Ken Chan) ang maiinlab sa kanya. Kalauna’y iba’t ibang kontrabida ang susubok na sumira sa kanilang love story at mga pangarap. Sa gabay ng kanyang kinilalang ama na si Paps Fernando played by Roderick Paulate na bigla na lang ay may love angle din with Carmina (Maureen Larrazabal). Nandyan din ang kwelang Home Baes.
In fairness, lumaban naman talaga sa ratings game ang ‘One of the Baes’ at may time na napataob din nito ang kalabang programa. May mga nagrerequest pa ng extension, but just like any other GMA News and Public Affairs-produced series (na mas maganda ang pagkakagawa sa totoo lang), they’d rather end on a high note. Kunsabagay, it is a show na hindi lang basta kilig ang pinapairal – nandyan ang family, comedy at it encourages women to pursue their dreams. Tribute din ito sa mga seafarers na nakikipagsapalaran.
Now, what’s next for RitKen? Totoo ba na may niluluto nang pelikula para sa kanila ang Regal? Sana ay isang material na bagay talaga sa dalawa ang gawin para magtuloy-tuloy ang pag-usad ng special tandem na ito.