VERY VOCAL si Ritz Azul, bida ng TV5’s WattPad Presents: Savage Cassanova na magsisimulang mapanood ngayong araw Oct. 27, 2014, sa pagsasabibing may inggit factor siya kay Nadine Samonte na minsang naging parte ng TV5 at ngayon ay nasa bakuran na ng Dos.
Tsika nga ni Ritz, “May inggit factor ako na nagkaroon siya ng kaluwagan sa ano niya… kasi nakakatalon siya ng iba-ibang network. Du’n ako medyo, gusto kong ma-try ‘yun!”
Pero hindi naman daw nangangahulugang aalis na siya sa TV5.
“Hindi, gusto ko lang ma-try.”
Isang taon na lang ang kontrata niya sa TV5. Bakit niya nasabi na gusto niya ring magtrabaho sa ibang TV station?
Paliwanag ni Ritz, “Gusto kong ma-try na makapagtrabaho sa ibang network, kasi iba raw ‘yung experience, e. Ang daming nagsasabi sa akin na taga-production na, ‘Iba yung experience du’n sa ganitong network, ganyan.’ ‘Oh, talaga?’ Parang gusto kong i-try. ‘Tsaka gusto kong makatrabaho ‘yung ibang artists.”
So, may chance na umalis siya sa TV5 kapag natapos na sa isang taon ang kontrata niya?
“Naku, hindi ko masagot!” natawang sabi ni Ritz. “Pero ngayon, napag-uusapan na namin ng management kung anong plans nila for me. Alam na rin nila na one year na lang ako.”
Mall show ng UPGRADE, dinumog ng mga tagahanga
NAGING MATAGUMPAY ang tatlong mall shows ng UPGRADE na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Armond Bernas, Raymond Tay, Miggy San Pablo, Mark Baracael, Rhem Enjavi at ng kanilang newest member na si Ron Ivan Lat na ginanap sa Robinson’s Las Piñas para sa Cardams Shoes, isa sa endorsement ng grupo.
Bukod sa Robinson’s Las Piñas, naging matagumpay rin ang SM Manila at Fishermall show ng Moron 5.2 ng Viva Films kung saan naging espesyal na panauhin ang UPGRADE.
At sa darating na Oct. 31, makakasama naman ng UPGRADE sa Riverbank Marikina ang Master Showman na si Kuya Germs, Jake Vargas, Marika Sasaki, Aki Torio, Michael Mangilinan, Prince Villanueva, Pilyo at Buildex.
John’s Point
by John Fontanilla