Hindi pulitiko si Robin Padilla.
Artista si Binoe na sa mga miron at bashers ng action star, mas mabilis pa siyang kumilos sa mga tinaguriang public servants (governor, mayor, congresman, etc,) at sa mga namumuno sa LGU at sa mga epal na mga pulitiko.
Matapos mangyari ang karahasan sa Kidapawan City sa Cotabato (last Friday) sa ginawang dispersal ng mga kapulisan ng lunsod sa mga magsasaka na nagpi-piket nang dalawang araw para makahingi ng tulong sa LGU nila (gutom sila at bigas ang kailangan nila), bala naman ang kapalit ng ginawang protesta ng mga magsasaka.
Kaya nga hindi na nagdalawang-isip si Robin Padilla na kinabukasan (last Saturday) ay sumugod agad siya sa Kidapawan City, kasama si senatorial candidate Neri Colmaneras para makausap ang mga naging biktima ng inhumane dispersal at para makisimpatya sa naging karanasan ng mga ito.
Sa kanyang konting tulong, naghanap si Binoe ng bodega ng bigas, kung saan bumili siya ng 200 sako ng bigas para ipamahagi sa mga magsasaka.
Hopefully ay hindi ito gamitin ng mga political candidates na mga “kapalmuks” para maki-ride on sa kabutihan ni Binoe.
Robin, mabuhay ka!
Reyted K
By RK VillaCorta