DREAM COME-TRUE para kay Robin Padilla na gampanan ang papel ni Andres Bonifacio: Ang Unang Pangulo.”Iilan lamang ang nakaaaalam sa totoong pagkatao at kuwento ng ating bayani. Masasabing isang historical action epic itong Bonifacio.”
Ayon kay Robin, “Dito sa pelikulang ito itatama natin ang kasaysayan. Nakalulungkot na marami tayong hindi alam tungkol sa sarili nating bansa, sa sarili nating mga bayani. Maituturing na rebolusyonaryo ang pelikulang ito dahil sa pagtalakay nito ng ilang kontrobersyal na isyu sa kasaysayan. Si Bonifacio, madasalin, mapagmahal, mahinahon. Hindi siya ‘yung sugod nang sugod lang. Kapag pinanood ng ating mga kabataan ang pelikulang ito. Umpisahan nating tanggapin ang katotohanan, ang katotohanan ng ating kasaysayan.”
Tulad ni Robin, makabayan at maka-Bonifacio rin si Direk Enzo Williams na siyang nag-direk ng Andres Bonifacio. “Nasa puso’t isipan ko si Robin kasi bagay sa kanya ‘yung role.” Para lalong mapaganda ang epic film, gumamit si Direk Enzo ng ARRI camera with anamorphic lenses at complete ARR Raw post-production workflow. Ang state of the art filmmaking tool at editing process na ito ay ginagamit ng mga major Hollywood movies. Ang Bonifacio ang kauna-unahang palabas sa Pilipinas na gumamit ng teknolohiyang ito.
Mahalagang papel ang gagampanan ni Vina Morales bilang kabiyak ni Bonifacio. Sa nasabing presscon, nagbalik-tanaw sina Robin at Vina sa kanilang naudlot na pagmamahalan. Walang closure nang sila’y maghiwalay as lovers. “Nagkaroon kami ng one on one ni Robin. Harap-harapang humingi siya ng tawad sa akin. Noon, hindi humingi ng tawad ‘yan, there’s never a chance para i-clear ‘yung side niya. Nang lumabas siya ng kulungan, hindi kami nakapag-usap. Walang deep conversation sa aming dalawa. I’m happy dahil nakikita kong masaya siya ngayon with Mariel,” paliwanag ni Vina.
Sabi naman ni Robin, “Pinagbayaran ko na sa kulungan ‘yung mga kasalanan at pagkukulang ko kay Vina.”
Kung walang Mariel Rodriguez ngayon sa buhay ng Action King, may posibility kayang magkabalikan sina Vina at Robin?
“Eversince naman, hindi mahirap mahalin si Robin. Mahirap ang may kahati. Tao lang tayo, hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa future. Ayaw ko ng magulong buhay,” tugon ni Vina. Hindi naman itinanggi ni Robin na may selos factor si Mariel sa ex-girlfriend niyang si Vina. Hindi nga ito lumalabas sa van kapag alam niyang nasa set ang singer-actress.
Hindi nabigo ang mga producers ni Robin na si Vina ang naging leading lady nito sa Bonifacio kaya lang walang kissing scene ang dalawa sa pelikula. “Sa set kinikilig ang mga babae sa amin ni Vina. ‘Yun nga lang, hindi niya ako pinahalik sa labi kahit may permiso naman kay Mariel. Hindi nawala ‘yung sparkle…” say ni Binoe.
Nalulungkot si Robin hindi niya makakasama si Mariel sa darating na Kapaskuhan. Plano pala nilang dalawang mag- Christmas at New Year sa US para makasama ang parents ng TV host-actress. “Hindi ako nakakuha ng US visa kaya hindi ako makakasunod. Kailangang tanggapin natin ‘yun. Ang magandang ginawa ni Mariel, gumawa siya ng paraan para ‘yung mga anak ko makauwi rito at makapiling ko sa Pasko. Kumpleto ang mga anak ko kay Liezel na nandito. Tatay ang magiging papel ko.” pahayag ng Action King.
Kasama rin sa cast sina Daniel Padilla at Jasmine Curtis-Smith, RJ Padilla at Eddie Garcia. Sila ang magsisilbing simbolo ng ugnayan ng kasaysayan at ng bagong henerasyon. Nagkuwento si Jasmine na okay na sila ni Daniel. Ayaw na nitong pag-usapan pa ‘yung controversial issue tungkol sa kanilang dalawa. “Pareho kaming nag-usap, nag-reach -out, tapos na ‘yun may closure na. We’re friends… Kapag hindi pa take, tambay lang kami ni Daniel. Hindi ako nahirapang i-portray ‘yung role ko. This film, na-open ang mind ko sa true story ni Andres Bonifacio.”
Sa trailer palang ng Andres Bonifacio: Unang Pangulo ramdam mo ang bawat character na nagsisiganap lalo na si Robin. Sabi nga ni Direk Enzo, “Kung acting ang pag-uusapan, hindi sila umaakting natural ang kanilang pagganap. Wala akong masabi, sila dapat ang manalo ng awards. Ang goal namin kaya ginawa ang Bonifacio, para bigyan ng honor ang ating bayan kahit 90 million ang production budget ng pelikulang ito.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield