MATAPOS MAIPALABAS ang pelikulang Sa Ngalan ng Ama, Ina At Mga Anak ni Robin Padilla, nag-decide na sila ng misis niyang si Mariel Rodriguez na lumipad patungong Sweden para sa isang research na kanilang gagawin para malaman ang mga kaganapan sa parteng ‘yun ng Europe sa napabalitang may pinakamalaking “sink hole” o butas na malaki, na ang iba ay kasing laki ng bunganga ng bulkan.
Interesado si Binoe na gawin itong pelikula kung ano man ang magiging resulta ng kanilang research na gagawin ng misis niya.
Kung maaalala n’yo pa, bago pa man nabuo ang huling pelikula ni Binoe, ang Sa Ngalan ng Ama…, isang horror movie ang gusto niyang gawin.
Sa research ng director na si Jon Villarin sa Mindanao, accidentally ay nasipat nito ang kuwento ni Ongkoy (ang real life role na ginampanan niya sa movie) na ito na rin ang nagtulak kay Binoe at sa Kuyang Rommel niya na gawin ang pelikula in exchange muna sa “horror” movie na una niyang planong gawin para sa kanyang RCP Production.
Umalis last weekend ang mag-asawa.
Nang mag-private message ako kay Binoe kung kalian ang balik nila ng ‘Pinas, nagreply ito sa IG namin as he wrote: “Depende kung ano ang kalalabasan ng pagsasaliksik namin ng misis ko. Babalitaan kita.”
SPEAKING OF Binoe, tuloy na tuloy na ang pagsasama nila ng kapatid niyang si BB Gandanghari sa pelikulang BB Ama.
Remember, may remake ng pelikula ni Rudy Fernandez na Bitayin si Baby Ama noon in the 80’s na ginawa ni Robin noong early years niya sa showbiz na naglagay sa kanya sa limelight during the 90’s.
I’m sure, comedy-action ang peg ng pelikulang pagsasamahan nila ng “Ate” BB niya na ngayon ay tanggap na niya kung ano man ang alternative lifestyle ng kaibigan naming si Rustom… este, si BB, na ang alam ko ay magtatayo ng anti-gravity yoga school dito sa bansa, kung saan nag-aral siya sa Chiang Mai (Northern Thailand) at nag-further studies pa sa New York sa passion na ito ni BB.
Reyted K
By RK VillaCorta