Robin Padilla, bumalik sa Dos by Ronnie Carasco

WALA NANG IBANG araw na pinakaaabangan ng bayan kundi ang petsang ito, Aug. 20, Huwebes, dahil nakatakdang ibaba ng MTRCB ang kanilang desisyon sa kaso ni Willie Revillame.

Days ago, pinag-uusapan sa showbiz circle ang posibleng maging hatol ng naturang ahensiya: either Willie’s program Wowowee gets axed or the host himself facing the consequences due him.

Dinig naming, ipinatawag na rin si Willie ng ABS-CBN recently. Dumaan din kaya siya sa mapanuring ethics committee ng istasyon na siya ring masusing nagrebyu ng kaso noon ni Cristy Fermin who got indefinitely suspended last year only to see herself totally disappear from the network she had served with so much loyalty?

GUESS KUNG SINO ang pinakabata sa hanay ng mga contractual stars ng GMA Artist Center?

Siret? Siya’y walang iba kundi si Alex Jazz, anak ni Jennylyn Mercado, who turned one nitong Linggo. Teka, politically incorrect yata, si Alex Jazz na anak nina Jennylyn at Patrick Garcia.

Anytime soon ay mapapanood na rin natin ang mag-ina via a diaper (hindi pa puwedeng banggitin ang brand) commercial. Teka, kailangan pa bang ihingi ng permiso ni Patrick ang pagsabak na rin ng bata sa limelight? As far as Jen’s concerned, hindi ito ang isyu. Ang importante, isang magandang break ‘yon para sa baby na hindi dapat pagtakhan kung meron mang dugong-artistang nananalaytay sa mga ugat nito.

AFTER A HIGHLY successful concert na iprinodyus  niya starring foreign artists last July, heto’t ayaw na namang paawat ng kaibigang Joebert Sucaldito sa kanyang “September  To Remember”  show na siya rin ang director.

Slated on the 27th at the Tent City of the Manila Hotel, magtatanghal sina Sam Milby, Erik Santos, Richard Poon at Rico J. Puno in a night of music and laughter like no other. Kasama rin nila si Danita Paner, anak ni Daisy Romualdez, with the special participation of Pooh, Pokwang, Cong. Ed Zialcita and Dr. Manny Calayan.

Dahil ang proceeds nito’y ilalaan sa pagpapatayo ng San Roque Church sa Sante Fe, Romblon, a close look at the major sponsors are themselves proudly Visayans tulad nina Boy Abunda (Samar) at mga Cebuanang sina Annabelle Rama at Donna Villa, to name a few.

MAY KASUNOD PA sana ang Totoy Bato na proyekto para kay Robin Padilla sa GMA-7. However, the action star declined the follow-up offer dahil panghapon (non-primetime) ito. Katwiran ni Binoe, “demoted” siya para isaksak sa afternoon block. Bagama’t valid naman ang kanyang stand, nagpasya na lang siyang bumalik uli sa ABS-CBN.

Malugod naman niyang tinanggap ang offer. Ang project: panghapon din.

So, where did his self-pride go…nadurog ding parang bato?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSugod Shooting: Dingdong Dantes at Eugene Domingo sa Kimmy Dora!
Next articleBlind Item: Playboy personality, foreigner ang puntirya

No posts to display