BLIND ITEM: Nakakalokah ‘yung nakarating sa aming balita na sinampal nang two times ng isang politician ang isang mahusay na singer na nagka-character roles din sa mga teleserye sa isang bar sa Makati three nights ago.
“Gano’n pala ‘yong politician na ‘yon pag nalalasing, parang siga. Kahit ‘yung mga babae roon na bihis na bihis, habang su-
misigaw siya, nakatitig lang sa kanya, tapos, babalingan niya at sasabihin niya, ‘Ano, mga pokpok kayo! Mga wala kayong kwenta!”
“Kaya nu’ng nilapitan siya nito ngang si _____ (singer), aba, maya-maya, sinampal niya nang dalawang beses. Eh, ang akala nu’ng singer, me dalang baril ‘yung politician, kaya tumalilis agad, dahil baka barilin pa siya, eh!”
Baka isang araw ay mabalitaan na lang natin na idinemanda ng singer na ito ang naturang nagwalang politician or baka naareglo na.
Makikiramdam kami.
At this point, kung nanghihingi kayo ng clue, ayan, na senyo na ang clue. Wala sa akin, okay?
ANO BA ‘yan at kung saan-saang okasyon na lang namin naririnig ang famous line sa The Mistress na “Hindi dahil gusto mo, makukuha mo!”
Maging sa mga bakla, uso rin ang dayalog na ‘yan ni Bea Alonzo kay John Lloyd Cruz. Na hindi porke me pera ang bading eh, mabibili na niya ang lalaking gusto niya.
Kahit sa mga newcomers sa showbiz na gustong sumikat pero mailap at ayaw pang ngumiti ng kapalaran sa kanila.
At ito rin daw ang dapat na isampal na mga salita ni Sen. Juan Ponce Enrile sa kasagutan sa Senado na si Sen. Trillanes.
But seriously, ‘pag matino naman ang pakay mo, walang problema mong makukuha ang gusto mo. Sasamahan mo rin ng pagtitiyaga at paghihintay.
SABI NAMIN kay Vhong Navarro nu’ng mag-guest kami sa Toda Max, si Robin Padilla ay hindi talaga binabago ng panahon at kasikatan. Gano’n pa rin kabait, lalo na sa maliliit na tao.
Nagkasama na kami for almost two years ni Binoe sa Pwedeng-Pwede (1999-2001), at nakakatuwa, dahil ang action star ay gano’n pa rin kagiliw sa maliliit na tao.
At sobra pa ring gentleman sa mga babae. Kahit nga sa amin, eh.
Sabi lang namin kay Binoe, “Pare, me pakape ka pa ba sa dressing room mo?”
“Nako, wala akong nabiling pang-brew, pare, eh!”
“Ah, sige, okay lang. Naitanong ko lang naman!”
After an hour, ‘eto na, me nag-aabot ng kape sa amin, “Galing po ke Robin. Nagpa-takbo po siya ng kape para sa inyo!” Juice ko, kung babae lang ako, nagpagamit si-guro ako ke Robin. Hahahaha!
Si Robin naman ay tao rin. Minsan, mainit ang ulo, pero normal ‘yon, eh. Mas normal sa kanya ‘yung pagiging gentleman at pagiging magiliw sa maliliit na tao, kaya love na love namin ‘yan.
Iba-iba naman ang mga ugali ng artista, eh. Alam namin ‘yon. Pero ang dami na naming kilalang artista mula pa nu’ng sila’y maging baguhan hanggang nagkapangalan, juice ko po, me sakit na hydrocephalus!
Ilambeses nang pinatunayan sa amin ni Robin ang kanyang kabaitan at kabutihan sa kapwa, kaya sana dumami ang ganyang sikat na artista.
Oh My G!
by Ogie Diaz