OLA CHIKA! PAGKATAPOS ng palabas ni Robin Padilla sa Siyete, nagpapahiwatig na raw ito sa bakuran ng ABS-CBN. Pero hindi pa naman kumpirmadong lilipat na ang aktor. Dahil hindi pa raw naglalatag ng mga proyekto ang pamunuan ng GMA-7 sa kung ano ang susunod niyang proyekto sa nasabing istasyon, no choice ang aktor kundi ang lumipat sa Dos. Kaloka ha?!
Pero marami ang ispekulasyon na naglalabasan laban sa kanya. Kesyo nagmamarunong daw ito sa lahat ng project na ibinibigay sa kanya. Ayon sa mga chika na nakarating sa inyong lingkod, bukod sa siya ang aktor at bida, siya pa ang direktor, at halos lahat na nga raw, pinakikialaman niya, huh! Kaloka ha? Ito nga raw ang inirereklamo laban sa kanya.
Hmmm… pero sa pagkakaalam ko, dahil matagal ko na ring kaibigan ang aktor, at sa aking pagkakakilala sa kanya, hindi naman siya ganu’n. Mabait ang pagkakakilala ko sa kanya, at napaka-charming nito. Hindi ito nakikialam sa hindi niya katrabaho.
Dagdag pa, hindi raw nagre-rate ang mga palabas niya sa Siyete, dahil hindi raw mapaganda. Siya nga raw kasi ang direktor, at ang direktor, naging assistant director na lang. Kalerke ha? Hahaha!
I’m sure, kung tuluyan mang lumipat ang aktor sa Dos, bukas-palad siyang tatanggapin, at magbabalik-kapamilya na naman ang Bad Boy ng pelikulang Pilipino. May nakalaan na nga raw agad na proyektong babagay sa actor. Hmmm… kaya abangan natin kung ano ang kahihinatnan ng career ng actor. ‘Yun na!
MARAMI ANG NAG-TEXT at nag-e-email sa akin habang on board ang ingyong lingkod sa aking programa sa radyo sa DZRH. Ang nakakaloka, puro reaksiyon ng mga tao iyon sa binitiwang pahayag ng folk singer na si Freddie Aguilar, kung saan tinawag niyang mga unggoy sina Charice, Arnel Pineda at Gary Valenciano.
Ang nakakaloka, gusto ni Freddie na sariling wika natin ang gamitin ng mga singer na ito kapag kumakanta sa ibang bansa.
Hmmm… may point din naman si Freddie du’n sa sinabi niya, dahil sobra ang pagmamahal niya sa sarili nating wika. Pero amging proud din naman tayo sa karangalang nakakamit ng mga ito, dahil sila rin ang nagbibigay ng karangalan sa ating bansa.
Bukod nga kay Manny Pacquiao, nakikilala ang mga Pilipinong magagaling kumanta, chika nga nga ng aking parazzi girl. Kaloka ha?
Kung sabagay, kanya-kanyang opinyon lang naman ‘yan. Kailangan din nating irespeto ang opinyon ng bawat isa, ‘di ba? Dagdag pa ng aking parazzi girl, na super tawanan talaga kami, kung tinawag niya raw na unggoy sina Charice, Arnel at Gary V., eh ano naman siya? ‘Di ba tatay nila? Eh ‘di, unggoy rin siya. Kaloka talaga! Sumakit ang aking tiyan sa katatawa. Kalerke talaga!
AYAW RAW NG nanay ni Manny Pacquaio na si Mommy Dionesia ang TV host singer-singer na si Willie Revillame. Hmmm… ang nakarating sa akin, kaya raw ayaw ni Nanay ni Manny sa TV host na si Willie, eh, dahil hindi niya ito idol. Si Joey de Leon kasi ang idolo ni Mommy Dionesia.
Hmmm… dahil noon pa man daw, si Joey na talaga ang idol ng Nanay ni Manny. In fact, may mga koleksiyon daw ng mga damit at iba kagamitan ni Joey si Mommy Dionesia. Kaya ganu’n na lang daw ang paghangan ng ina ni Manny sa TV host.
Ang nakakaloka, mismo raw ang ina ni Manny ang pumili kay Joey na makasama sa pelikula o sa commercial na gagawin. Hmmm. .. kaloka ha? ‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding