SA PAGPASOK ng karakter ni Robin Padilla ngayong Linggo sa JasMine bilang isang dating pulis na iniwan ng asawa, lulong sa alak at isa sa reresolba sa misteryo kung sino ba talaga si Maskara, tiyak na higit na gaganda at magiging mas kapana-panabik ang tatakbuhin ng istorya ng JasMine.
Ayon nga kay Robin sa interview namin sa kanya sa set visit ng JasMine, bukod sa nakaplano naman talaga sa umpisa pa lang ang pagpasok ng karakter niya, hindi rin niya natanggihan si Jasmine Curtis-Smith, ang manager na si Betchay Vidanes at si Ms. Wilma Galvante.
Excited na makatrabaho si Jasmine, iisa ang manager nina Robin at Jasmine, pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkasama sila sa isang proyekto. Sa panayam nga namin sa aktres, nakikita niya sa mga event si Binoe pero wala silang pagkakataon na makapag-usap. Overwelmed at intimated sa presensiya ni Robin nu’ng una, pero agad ding nawala ang intimidation dito dahil nakita niya agad na masarap itong kausap, relax sa mga co-actor nila at palabiro.
Isa sa contract star ng Kapamilya Network, siniguro naman ng aktor na nagpaalam siya nang maayos sa pamunuan ng ABS-CBN bago niya tinanggap ang JasMine at pinayagan naman siya ng management. Talagang nagandahan sa role niya sa nasabing serye, sa apat na Linggo na mapapanood siya sa JasMine ay siniguro ni Robin na higit na magugustuhan ng publiko ang mga twist na mapanood sa istorya.
Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA