KAHIT NA marami ang nagpupursige na tanggapin ni Robin Padilla ang utol na si Rustom Padilla bilang si BB Gandanghari ay walang nagtagumpay.
Sabi ni Robin, wala siyang sama ng loob sa lahat ng kanyang mga kapatid at iginagalang niya ang bawat desisyon ng mga ito. Pero kahit na ano raw ang mangyari, si Rustom Padilla pa rin ang tingin niya sa utol na si BB Gandanghari.
“Kanya-kanyang trip ‘yan, walang basagan ng trip. Kung ‘yun ang trip niya at masaya siya roon ay bahala siya. Pero sa akin ay si Rustom pa rin siya,” say ni Robin.
Samantalang inamin ni Robin na nasiyahan siya sa love scene nila ni Kris Aquino sa kanilang bagong serye kasama si Anne Curtis.
“Nasiyahan talaga ako sa love scene namin ni Kris. Pero bago mag-isip nang ‘di maganda, kailangan kasing gawing makatotohanan ang eksena para maging maganda,” say pa ni Robin.
Inamin din ni Robin natakot siya kay Kris. Very professional daw kasi si Kris. Ayaw raw nito ang ‘di seryoso sa kanilang ginagawang serye.
Kay Anne naman, sabi ni Robin, pan-tasya ng mga kalalakihan daw ang actress. Magkaiba raw ang katangian nina Kris at Anne. Kapwa magaling at very professional ang dalawa.
Kaya nga raw ini-request niyang makasama ang dalawa sa isang serye. Gusto ring makasama ni Robin si Anne sa isang pelikula.
IKINALUNGKOT NI Isabel Oli ang gulong namamagitan kina Sarah Lahbati at GMA Artist Center na nauwi nga sa demanda.
Bilang dating contract star din si Isabel ng GMA Artist Center at pitong taon ang naging kontrata, kaya tinanong siya kung naranasan din niyang mapagod sa kamay ng GMA 7?
Inamin naman ni Isabel na minsan daw ay napagod din siya lalo na kapag sunud-sunod ang taping. Pero never daw siyang nagreklamo dahil nag-i-enjoy siya sa ginagawa niya sa showbiz.
Seven years na raw siya sa GMA 7 pero never niyang naramdamang pinabayaan siya ng network. Nagpapasalamat pa nga raw siya dahil ‘di siya nababakante nang matagal at lagi siyang binibigyang ng magandang project ng Kapuso Network.
Anyway, wish ni Isabel na magkaayos na sina Sarah at GMA Artist Center
HINDI NAPIGILAN ni Gloria Romero ang mapaiyak nang mapanood niya ang audio visual presentation ng bago niyang drama series.
Ayon sa Movie Queen, first time niyang nakagawa ng isang kakaibang drama series kaya laking pasasa-lamat niya sa GMA 7.
“Hindi ko kasi naisip na sa edad ko ngayon (79 years old), makakagawa pa ako ng ganitong klaseng TV series. I’ve done so many series in the past, ngayon lang ako talaga naiyak sa napanood ko. Hindi ko alam kung bakit ako naging emotional. Sigu-ro nga masayang-masaya lang ako sa paggawa ko ng show na ito,” say ni Tita Glo.
Hindi raw siya titigil sa pag-aartista hangga’t kaya niya at hangga’t may nagtitiwala pa rin sa kanyang kakayahan sa pag-arte.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo