Kung sinu-sinong showbiz personalities na ang nabigyan ng posisyon sa Duterte administration at ang latest nga rito ay ang mag-asawang Aiza Seguera at Liza Diño. Kelan naman kaya mapasasama rito ang actor na si Robin Padilla?
“Ano po ‘yan, eh, hindi naman nawawala ‘yan (pag-alok ng government position), kasi nasa iisang circle lang kami. At isang napakalaking karangalan naman na tinatanong ako kung gusto ko. Ang usapin lang, eh, puwede ba ako? Hindi, eh.
“Una na, kung revolutionary government ‘to, oo, papayag ako. Pero hindi, eh,” rason ng actor.
Ayon pa kay Robin, may kinalaman daw ang pagiging ex-convict niya kaya hindi siya puwedeng maglingkod sa administrasyon ni Pangulong Duterte.
“Kasi, ‘di ba ex-convict ako? Ex-convict ako, hindi nga ako nakaboto, eh. Hindi ako puwedeng bumoto, hindi ako puwedeng humawak ng government position,” saad ng actor.
Pero aniya, kahit naman daw wala siyang hawak na posisyon sa gobyerno ay puwede pa rin naman siyang makapaglingkod sa tao at sa kanyang mga kababayan.
“Hindi mo naman kailangan ng government position para makatulong, eh. Sa simpleng paraan na alam natin, pupuwede naman tayong makatulong,” katuwiran pa ng actor.
Kung sa bagay, tama rin naman siya.
La Boka
by Leo Bukas