TILA MAY gustong itawid na mensahe ni Robin Padilla sa pelikulang Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak, kung saan all- star cast ito ng Pamilya Padilla na produced ni Binoe at ng Star Cinema.
Sa trailer pa lang, tulad ng last movie niyang 10,000 Hours noong nakaraang Disyembre na nagwaging Best Picture sa MMFF 2013 na may mensaheng hindi siya sang-ayon sa umiiral na sistema; ang bagong pelikulang aksyon ni Binoe tungkol sa pamilya na nagpasimula ng grupong Kuratong Baleleng (mga taga-Ozamiz City sila) ay tila hindi nalalayo sa personal advocacy niya.
Gusto ni Robin ng “revolution” tulad ng mga pinu-post niya noong nakaraang Kapaskuhan sa kanyang IG account.
Kung ano man klaseng rebolusyon ito, hindi malinaw sa akin.
Pero base sa nababasa ko sa mga pahapyaw niyang kumento sa kasalukuyang estado, tila hindi siya sang-ayon; hindi siya kuntento. Gusto niya ng pagbabago.
Pero ang alam ko sa revolution, lahat madugo. Lahat ng rebolusyon ay may mga buhay na kapalit.
Dahil sa rebolusyon na gustong maganap ni Robin, panimula na kaya itong video clips na pinu-post niya sa Instagram account niya sa anak niyang si Ali (isang menor de edad) na nagbabaklas ng high powered firearms?
Reyted K
By RK VillaCorta