HAPPY ANG kaibigang Robin Padilla sa naging resulta ng premiere night ng pelikula niyang Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak dahil sa suporta ng mga fans ng pamangkin niyang si Daniel Padilla. Halos hindi mahulugang karayom ang Gateway Cineplex last Tuesday evening.
Mas masaya siya dahil sa isang imbitasyon lang niya sa ka-loveteam ng pamangkin na si Kathryn Bernardo, um-oo kagaad ito na dumalo last Tuesday.
In fairness, magandang ‘di hamak ang pelikula compare sa 10,000 Hours na nagbigay sa kanya ng Best Actor award sa nakaraang MMFF 2013.
Comparing the two movies – 10,000 Hours and Sa Ngalan Ng Ama… itong huli ang pelikula niya. Ito ang pelikulang Robin Padilla kung saan sa ganitong uri ng pelikula siya kilala. Mas gusto ko ito dahil may kuwento, may drama, may aksyon compare doon sa last movie niya na walang ginawa kundi mag-hide and seek.
Maaksyon, barilan at very Robin Padilla ang Sa Ngalan ng Ama… na ayon sa director na si Jon Villarin na kilala pala namin noon pa sa Showbiz Linggo days, maganda ang pagsalaysay ng kuwento ni Onkoy at ni Indah kung saan kasama ang mga anak nila ay nabuo ang Kuratong Baleleng ng Ozamiz City sa Mindanao.
Paglilinaw nga ni Robin, hindi ito ang Kuratong Baleleng Gang na involded sa bank robberies at kidnappings noon.
“Iba ito, pero puno ng aksyon,” pagmamalaki ni Binoe sa amin.
Pero masama ang loob niya kay Aljur Abrenica (ang sinasabing boyfriend ng anak niyang si Kylie) dahil inimbitahan niya sa premiere (may guesting si Ajur sa movie) pero wala man lang itong acknowledgement.
‘Di nga ba’t dapat nanunuyo si Binata sa ama ng kanyang dalaga?
I just don’t know kung magiging malalim ang tampo ni Binoe sa binata.
By the way, Sa Ngalan ng Ama, Ina at Mga Anak is Graded B by the Cinema Evaluation Board meaning may 50% tax rebate ang producer (RCP Productions at Star Cinema) mula sa gobyerno.
Reyted K
By RK VillaCorta