Robin Padilla, malimit ma-bad trip sa laki ng gastos sa pelikula

Robin-PadillaROBIN PADILLA is admittedly hot-tempered, much less violent.

Hindi nahiyang inamin ni Robin sa presscon ng family action drama na Sa Ngalan ng Ama, Ina at ng Mga Anak ng Star Cinema na ilang beses nang nabalam ang shooting nito all because of his temper.

Thanks to his elder brother Rommel, ito kasi ang may mahabang pasensiya aside from being the brains behind the project that took two and a half years in the making. Malimit daw na ika-bad trip ng action star ay ang paglobo ng production cost, kaya “Stop shooting!” ang naiisip nitong solusyon.

But Rommel was tenacious enough para kumbinsihing ituloy ang pelikula, kung saan isang dream-come-true nga namang pagsama-samahin ang ilang miyembro ng angkang Padilla: brothers Daniel, RJ and Matt, Robin’s niece Bela and daughter Kylie, at higit sa lahat ang kanyang maybahay na si Mariel Rodriguez.

Dumating din daw ang panahong kinailangan nang tutukan ni Mariel ang production side sa tuwing “mapapraning” si Robin, dahilan para mag-away naman ang mag-asawa. But Mariel, in fairness, enjoyed the best of both worlds.

Since literal na family movie ito, did any of the Padilla members lower his talent fee? Sa kaso ni Rommel, ayaw na raw niyang maningil ng talent fee para sa kanyang anak na si Daniel, but since it was Robin who decided to give the fees due them ay binayaran niya ang mga ito nang nararapat.

Helmed by first-time film director Jon Villarin, Sa Ngalan… opens today in cinemas nationwide.

Mataray na aktres, sobrang hyper dahil sa droga?

 

BLIND ITEM: We’re no druggies ourselves, pero dahil may mga kakilala kaming adik ay kapado namin ang kanilang karaniwang behavioural pattern lalo’t malakas ang tama nila.

In her recent TV guesting, gusto naming papaniwalain ang aming sarili na hyperactive lang ang isang aktres nang interbyuhin siya. If we know her well enough, hindi siya ganoon upclose, but there was something disturbingly quaint about her nuances.

Validation nga ba ‘yon ng mga tsismis that she’s really on drugs? Hopefully not. Sayang naman ang tulad niyang aktres na “mataray” pagdating sa acting.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMataray na aktres, sobrang hyper dahil sa droga?
Next articleDeniece Cornejo, kakaunting simpatiya ang natatanggap

No posts to display