IN FAIRNESS maganda ang trailer ng MMFF entry ni Robin Padilla na 10,000 Hours.
Panlalaki talaga, kaya tama rin naman ang desisyon ni Direk Joyce Bernal na ito ang pinili niya at tinanggihan niya ang Kimmy Dora at ang Torky and My Little Bossings.
Nakita raw niya kung gaano ka pursigido ang mga producers niya mapaganda ang pelikula.
Sina Neil Arce, Boy 2 Quizon at ang iba pa nilang non-showbiz na kaibigan ang producer nito at pangalawang pelikula pa lamang itong na-produce nila.
Siyempre, suporta na rin ito ni Joyce sa mga bagong producers para lalo silang ma-inspire sa pagawa ng matitinong pelikula.
Naloka nga raw si Direk Joyce nang sinabi sa kanya nina Neil na mas gusto raw nilang magka-award kesa sa box-office success. Naniniwala kasi si Neil na kung maganda ang pelikulang ginagawa mo, panonoorin ito ng mga tao. Kaya mukhang wagi ito sa mga kalalakihan, at malay nga natin mag-hit din ito.
Malakas pa raw si Robin sa Best Actor award, pero hindi na raw ito pinapangarap ni Robin. Ang mahalaga raw kumita para hindi na raw madala ang mga producers niya sa pag-produce ng pelikula.
Kagabi yata ang premiere night nito at malamang na nagustuhan ito ng mga manonood.
Isa ito sa aabangan natin sa darating na Metro Manila Film Festival.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis