PINAALALAHANAN NI Robin Padilla ang gustong manligaw sa anak na si Kylie Padilla na tigilan muna ang anak alang-alang sa pagdiriwang nila ng Ramadan bilang isang Muslim.
At kung talaga raw may gustong manligaw mas okey at pabor raw sa kanilang angkan na isa ring Muslim ang maging boyfriend ng anak.
Isa kasi sa nababalitang manliligaw ngayon ni Kylie ay si Enzo Pineda. Pero wala pang reaction kung totoo ngang nanliligaw ang young actor na ex-boyfriend ni Louise delos Reyes sa ex-girlfriend naman ni Aljur Abrenica.
Ayon kasi sa kampo ni Enzo, masaya ngayon ang actor at nakapag-move-on na sa break-up nila ni Louise. Mas nakatutok daw ngayon si Enzo sa showbiz career at secondary na lang ang manligaw para maibsan ang nasugatang puso.
Ano nga kaya kung si Enzo ang maging boyfriend ni Kylie? ‘Di ba si Louise delos Reyes daw ang third party sa break-up nina Kylie at Aljur?
Samantalang nabalitaan namin nag-audition daw si Enzo para makasama sa isang indie film at mapalad namang nakuha ang serbisyo ng young actor. Ang tanong ay maging mapalad din kaya sa takilya ang naturang indie film? ‘Di ba halos lahat yata ng indie film ay flopsina.
Una ay tinipid sa budget ang paggawa ng isang indie film at ikalawa ay inililihim ito na basta na lang ipalalabas sa piling-piling sinehan na kadalasan pa sa tagong lugar na sinehan.
Tanggapin man o hindi ng mga gumagawa ng indie film, na walang kumita sa takilya ang mga ganoong klase ng pelikula.
Maliban na lang kapag mapalad na mapasama sa taunang festival ng bansa ang isang indie film tulad ng taunang Metro Manila Film Festival.
Kung isang mainstream ngang pelikula na ginastusan ay nagiging flopsina pa sa takilya, ano pa kung isang indie film ito na inilihim pa sa press para tumulong na ma-promote kahit paano ang kanilang small budget na pelikula?
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo