HABANG NAGDADALAMHATI ang LGBT community sa pagpaslang kay Jennifer Laude (nailibing siya last Friday sa Olongapo), habang ang presidente ng Pilipinas na si PNoy ay dedma lang, mabuti pa si Robin Padilla, may statement sa mainit na isyu tungkol usapin ng Visiting Forces Agreement (VFA).
A portion ng statement ni Robin: “Dapat dito sa ating bansa managot ang salarin at kailangang magkaroon ng bagong hakbangin ang ating gobyerno at ang Amang Amerikano sa pagpapatupad ng Visiting Forces Agreement. Kailangang maging maliwanag sa mga sundalong Amerikano na sila ay visitor natin. Hindi po Panginoon o hari; sila po ay nangako na ipagtatanggol tayo bilang kanilang matagal na kaibigan at hindi para apihin at patayin. Konting bayag naman, mga mahal naming mga namumuno sa gobyerno. Hindi po mamasamain ng Gobyernong Amerika ang inyong pag-angal at pagkondena, sapagkat sila ang Ama at Bayan ng karapatan at kalayaan. Mas gagalangin po kayo ng mga Amerikano kapag kayo’y tumindig at makikipagtalastasan sa kanila kapag kayo’y nasa katuwiran. Be brave my Filipino government officials. For once, stand up and fight for our rights.”
Gaganap bilang si Bonifacio si Robin, ang tagapagtangol ng mga mamamayang Pilipino sa darating na MMFF 2014.
Naalala ko, ang isyung “Tuta ng Kano” ang ating pamahalaan ay kasing tanda ko na rin mula nang magkamalay ako hanggang sa ang nakamulatan ko na naghari ay si Marcos na sinundan ni Cory, Ramos, Erap at maging si Gloria na hanggang sa pag-upo ng bondying na si PNoy.
Kung minsan, mas saludo pa nga ako sa bunsong kapatid niya na si Kris Aquino na kahit anong isyu; mapa-showbiz, lovelife niya at kung anu-ano ay may statement at posisyon ang Queen of All Media kumpara sa Kuya niya na “ewan”.
Reyted K
By RK VillaCorta