Pormal na naghain ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang action star na si Robin Padilla laban sa isang “Miss Krissy” na may Twitter handler na @krizzy_kalerqui. Kasama ni Robin na nagtungo sa NBI kahapon, May 12, ang kanyang abogadong si Atty. Rudolf Jurado para maghain ng reklamong online libel.
Sa kasagsagan ng eleksiyon noong May 9, nag-post si Robin Padilla sa kanyang Instagram account ng litrato hawak ang isang balotang naka-shade ang pangalan ni kandidatong si Rodrigo Duterte. Maraming netizen ang bumatikos sa naturang post ni Robin na agad din niyang tinanggal sa kanyang wall.
Isa si Miss Krizzy sa nagpahayag ng kanyang batikos sa nasabing post. Anito, “This is a clear violation of election law! Throw him in jail as well. No one is above the law.”
Ayon sa inihaing reklamo ng kampo ni Robin, nakasaad na: “Please note that our client [Robin] is NOT a registered voter due to complications brought about by his prior conviction. As such, he could neither possess/acquire an official ballot nor enter a voting precinct.
“It is, therefore, legally impossible for our client to perpetrate the alleged election offense (i.e. taking a photograph of his filled-up official ballot inside a voting precinct).”
Sunud-sunod naman ang naging tweet ni Miss Krizzy matapos makarting sa kanya ang ginawang aksyon ng aktor laban sa kanya.
Una niyang tweet: “Miss Krizzy vs Robin Padilla”
Sinundan niya ito ng, “It’s a picture / visual. Reaction was based on what I’ve seen! Bawal na ba magcomment ngayon? Martial Law again? #misskrizzyisinthenews
Tila nagpahaging din si Miss Krizzy na parang siya lang ang na-single out sa mga bumatikos sa nasabing post ni Robin. Aniya, “HANAPIN NYO LAHAT NA MGA NAGCOMMENT DUN SA PICTURE!!! DUH!”
Sa pinakahuling tweet ni Miss Krizzy, tila dinepensahan niya ang kanyang komento na pinag-ugatan ng reklamo ng aktor.
“Bashing is subjectively hitting a particular personality. It is totally different from stating a generic and objective reaction. #THINK” ani Miss Krizzy.
By Parazzi Boy