ANG LAKI ng budget ng pelikulang Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak ni Robin Padilla na produced ng kanyang RCP (Robinhood Cariño Padilla) Production na co-producer niya ang Star Cinema.
Noong na, hindi niya inakala na aabot nang ganu’n kalaki ang proyekto niya dahil inaakala niya na sapat ang fundings niya sa pelikula. Two years ago, may pamagat na Kuratong Baleleng ang pelikula na nasimulan na niyang gawin with wife Mariel Rodriguez.
“Ang Kuratong Baleleng movie namin ni Mariel, hindi ‘yong alam ninyo na Kuratong Baleleng Gang na involved sa mga carnaping at mga krimen noon. Iba ang ibig sabihn nu’n sa salitang Bisaya. Babae at Lalaki ang ibig sabihin ng Kuratong Baleleng na naging pangit lang ang imahe dahil sa gang na gumawa ng mga krimen noon,” kuwento ni Binoe.
Kung hindi ako nagkakamali, almost P60 million na ang nagastos niya sa pelikula not including the TV promo at publicity.
Kung napanood n’yo ang trailer ng Sa Ngalan ng Ama…. Iisipin mo nagbabalik muli ang mga pelikulang aksyon na pinasisimunuan ni Robin kasama ang Padilla clan.
Kung hindi siguro sa pagpupursige ng Kuya Rommel (ama ni Daniel) niya, hindi siguro mabubuo ang pelikua kung saan halos lahat ng mga pamangkin ni Binoe na nagsi-showbiz ay kasama sa cast at ang anak niyang si Kylie na kuwento nga niya ay bihasa sa paghawak ng mga baril at paggawa ng action stunts dahil maliit pa lang ay sinanay na niya.
“Gusto ko kay Kylie na sumubok naman sa ganitong pelikula. Gusto ko siya maging action star,” pagmamalaki ng ama.
Bukas may premiere night ang pelikula sa Gateway Cineplex at palabas na nationwide sa Wednesday, January 29.
Reyted K
By RK VillaCorta