Nanawagan si Robin Padilla sa kapwa artista na lumantad na at ipakita ang pagmamahal sa ating bansa, kasunod ang paninita sa ilang nangangampanya ng bayad para sa kani-kanilang kandidato.
Ang naturang panawagan ni Robin Padilla ay galing sa campaign ad niya para kay Davao Mayor Rodrigo Duterte na makikita ngayon sa social media.
Sa mensahe ni Robin, sinabi niya na hindi siya nagpabayad sa paglabas niya sa video campaign ad, dahil naniniwala siya na ang pagmamahal sa bayan ay hindi kailangang bayaran.
Dahil sa ginawa ni Robin, natuwa ang mga maka-Duterte, pero marami rin ang nagalit sa kanya mula sa supporters ng ibang kandidato.
“Mga tol, magtapatan tayo, wala akong bayad sa patalastas na ito. Ginagawa ko ito dahil naniniwala ako na ang para sa bayan hindi ka dapat binabayaran. Ang pagbabago hindi nabibili.
“Si Duterte nga hindi tumatanggap eh, ako pa. Kaya mga kapatid kong artista, lumantad kayo, huwag kayong matakot. Ipakita ninyo ang libre ninyong suporta sa Inang bayan. Dahil kapag para sa bayan hindi ka dapat binabayaran!” panawagan ni Robin.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo