NAGKAROON KAMI ng pagkakataong makausap si Robin Padilla sa event ng Cherry Mobile sa Esplanade, Mall of Asia last December 6. Tinanong agad namin kung tuloy na ‘yung movie project nila ni Willie Revillame under Viva Films.
“Ang gusto ni Boss Vic (del Rosario) mag-umpisa na kami ni Ka Willie. Tingnan natin, siguro pag-alis ng mga anak ko. Kasi, hindi ko masasabay ngayon ‘yun. Siguro pag-alis nila baka ready na kami ni Willie,” say ni Robin na ayon sa kanya, dito magpa-Pasko at New Year ang mga anak niya kapiling nila ni Mariel Rodriguez.
Action comedy ba itong project na gagawin mo sa Viva Films for year 2011? “Ang gusto ni Ka Willie, action. Ang gusto naman ni Boss Vic, playboy type. Parehong hindi ako ‘yun, si Willie ‘yun! Hahaha! Kay Ka Willie nanggagaling ‘yung istorya, pinapasok lang niya kay Boss Vic. Lahat sa kanila, mas maganda nga, artista lang ako du’n.”
Tuloy kaya ang paglabas ni Robin sa El Presidente ni Go. ER Ejercito? “Gagawin raw niya ‘yung Emilio Aguinaldo. Siyempre, tatamaan ‘yung buhay ni Andres Bonifacio. Sabi ko sa kanya, walang nababagay d’yan kung hindi ako lang. Kaya dapat, kung may Andres Bonifacio d’yan, dapat ako ‘yun! Naintindihan naman ako ng kaibigan ko, nagkausap kaming dalawa. Hindi pa nangyayari ‘yung issue tungkol sa Metro Manila Film Festival. Marami na akong pasabi sa kanya kasi, si Ketchup (Eusebio) kasama ko sa Guns and Roses na kasama rin sa pelikula niya. Sabi ko nga kay Governor, sa El Presidente na pelikula nga ni Emilio Aguinaldo, kailangan ako si Andres Bonifacio du’n. ‘Yun, usapang lalake ‘yun, sana naman next year. Sana naman buhay pa kami kapag ginawa na ‘yun, buhay pa kaming dalawa,” pabirong pahayag ni Binoe.
May tsikang nagla-lie-low raw si Robin sa paggawa ng teleserye, how true? “Ang gusto ko sana kapag gumawa ng teleserye… ‘yung Guns and Roses kasi, sa kalahati ko lang nakasama ‘yung leading lady. Du’n sa kalahati, pulos lalaki na kasama ko, corny. Sabi ko, tapusin na natin ito.”
Ibig kayang sabihin ni Robin na mas nag-i-enjoy siya ngayon sa bago niyang sitcom na Todo Max with Vhong Navarro? “Nagpapasalamat ako sa ABS kasi, nanggagaling sa amin ni Vhong ‘yung istorya kaya okay. Mas action din dito dahil hahanapin ‘yun ng mga mahal nating tagahanga. Natutuwa ako dahil ang bait ng ABS, kasi sa amin nanggagaling… tatanungin kami kung ano ang gusto naming gawin sa isang eksena.”
Reaction ni Robin sa mga comedy scene ni Angel Locsin? “Si Angel, magaling na artista. ‘Yung magaling na artista kahit saan mo dalhin sasaluduhan mo ‘yun. Kaya kami, ang pagpupugay namin kay Angel bilang isang artista, ang galing niya. Ang mga idea niya, hanep! Katunayan nga, ‘yung mga episode ni Angel, lahat ng patawa niya, kanya ‘yun. Galing sa kanya mismo, ang galing!”
Napag-usapan ba ninyo ni Angel na gumawa kayo together ng pelikula? “Commercial na lang, sandali lang ang trabaho. Okay naman sa akin ang pelikula, kaya lang, ang tagal gawin ‘yun. Ang commercial, dalawang araw mapapanood na ng tao.”
Kumusta naman si Mariel Rodriguez bilang co-host ni Willie sa Wil Time, Bigtime? “Alam mo, parang hindi naman siya lumipat. Lahat ng kasama niya sa ABS, nandu’n. Araw-araw masaya siya, sabi nga niya sa akin, parang galing siya sa Kapamilya na, Kapatid pa!”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield