Robin Padilla, umaray sa character assassination

Robin Padilla
Robin Padilla

Hindi na umano hahayaan ni Robin Padilla na patuloy na sirain ang kanyang pagkatao ng mga basher sa social media.

Ito ay matapos na batikusin siya ng netizens dahil umano sa paglabag sa Comelec rule na nagbabawal sa pagkuha ng litrato ng balota, kung saan noong araw ng eleksiyon ay nag-post si Robin Padilla sa kanyang Instagram account ng litrato ng balota na may shade pa ang ibinoto umano niyang kandidato.

Iginiit ni Robin na wala siyang nilabag na ruling ng Comelec at ipinaliwanag na hindi siya maaaring bumoto dahil sa kanyang conditional pardon status.

Sa caption sa kanyang Facebook post kahapon, May 10, sinabi ng action star na, “I am posting this letter from my lawyer to inform the public that I am not tolerating the present assassination of my character. My Honor is the only thing that I have in my life.

“Freedom was taken away from me since 1995. Presently, I am still in conditional pardon without any civil rights.

“And now 2016 elections came, me without any Voting Rights am being judged by some netizens for violating election rules while voting.

“If I did something to this effect I am calling the Comelec to arrest me and put me to jail if proven that I went to a precinct, voted and took pictures of an official ballot.

“If proven otherwise then the legal battle should start and make the guilty answer for their actions especially the bullying.”

Matatandaang nasentensiyahan si Robin nang 21 taong pagkakabilanggo noong 1995 sa kasong illegal possession of firearms. Nakulong siya sa National Bilibid Prisons sa Muntinlupa at noong 1998, nabigyan siya ng conditional pardon mula sa Malacañang.

By Parazzi Boy

Previous articleKris Aquino, ‘signing off’ na naman daw
Next articleDennis Trillo, cool kuya sa mga bagets co-star sa bagong serye

No posts to display