ROBIN PADILLA HAS a natural charisma that easily draws the public. He has gained and regained through the years, the kind of cre-dibility that would make consumers trust in his product choices. Ang action superstar ang newest endorser ng Cherry Mobile Shockproof.
Nilinaw ni Agnes Conopio (Cherry Mobile, Marketing Head), “It’s nothing to do with his Bad Boy image kasi, tapos na ‘yun. Kaya namin kinuha si Robin kasi, he has survive all his trials in his life.”
Naging sentro rin ng usapan ang nalalapit na pagpapakasal daw nina Robin at Mariel Rodriguez sa Vatican. Nakatakda silang umalis papuntang Europe before the end of this month. “Actually, secret ‘yan, lumaki ang balita. Kung plano na naka-coordinate doon, hindi ako si Prince William. ‘Yung akin, gusto ko lang naman, may Pinoy roon, nu’ng pumunta kami du’n dati may isang Pinoy na nagtatrabaho sa Vatican. Marami siyang lugar na pinagdalhan sa akin sa loob ng Vatican. Siya ‘yung pinagkakatiwalaan doon, nakapasok ako. Asawa ko si Mariel, gusto ko lang matupad ‘yung kanyang church wedding. Kung hindi matupad dito sa Inang Bayan, baka roon sa pamamagitan nu’ng kababayan natin, makasal niya kami roon.”
Hanggang ngayon palaisipan pa rin kung kailan talaga magaganap ang church wedding. “Kapag nagkaroon na ng tamang plano, execute agad. Siyempre ngayon, busy-busy, si Mariel sa noontime show, ako naman sa Guns and Roses. ‘Yung Guns… masakit na rin sa katawan pero malapit na ‘yun.”
Hindi kaya maintriga sina Robin at Mariel sa gagawin nilang pagpapa-kasal sa Vatican? “Ako’y minamahal ko ang ating mga Obispo, pero ‘yung sa amin, isang Katoliko si Mariel na naghahanap ng blessing ng kanyang simbahan. Gagawin ko ang lahat para matupad ‘yun. Hindi naman malaking issue na isang Muslim at isang Catholic, nag-asawa. Ako’y naniniwala, magiging tolerant…”
Hindi ba magkakaroon ng issue sa Islam ang pina-plano ninyong pagpapakasal ni Mariel sa Vatican? “Ang Islam po ay sagot sa maraming katanungan. Ang Islam ay kailanman ay kapayapaan ang dala, hindi kokontra lalung-lalo na sa kasal.”
Mga matitinding pagsubok na dumating sa buhay ni Robin at kung papaano niya nalagpasan ang mga challenge na ito? “Siyempre, ‘yung nahiwalay ako, ‘yun ang pinaka, hindi lang sa akin, kundi sa lahat ng nagmamahal sa akin. ‘Yun ang pinakamatinding pagsubok sa isang lalaki. Sa iba, maaring ito’y kalayaan. Sa isang katulad ko, malungkot na pangyayari ‘yun. Ako’y nagpapasalamat at dumating si Mariel sa buhay ko, siya ‘yung naging shield.”
Kung may mga trial na nalagpasan ni Robin, ano naman ‘yung puwedeng mag-knock-out sa kanya? “Ayaw kong ma-knock-out, hindi pa mangyayari ‘yan. Tayo’y madadapa, matitisod pero para ma-knock out, hindi pa po pinanganganak siguro ang magpapa-knock-out sa akin.”
So, second honeymoon ang mangyayari sa inyo ni Mariel sa Vatican? “Hindi pa naman kami tumitigil sa honeymoon. Nasa kalagitnaan pa po kami nu’n, extensive honeymoon. Ha! Ha! Ha!”
‘Yung nababalitang solo concert ni Robin, tuloy na ba ito? “Maraming nagsasabi na concert, pero para sa akin, hindi siya concert dahil hindi naman ako singer. Gusto ko lang makapaghatid ng isang harana sa ating mga mahal na may kaya upang makapagbigay ng kaunti nilang pagpapala roon sa ating mga kasama sa manunulat na may mga sakit na, may mga kapansanan. ‘Yan lang naman po ang sa atin, pero hindi po ito concert, charity show,” tugon niya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield