OLA CHIKKA! Kahapon dumalo ako sa presscon ng pelikulang I Luv U Pare Ko. Salamat kay Nona ang girl friday ni Riqui Cardenia, ang aming producer. Siyempre present ang dalawang bagets actor na sabi nga, nakakatilam-tilam ang kanilang katawan.
Sabi nga ng isa sa aking mga BFF na si Jojit de Nero hindi niya ito palalagpasing panoorin kasi napakagaling ni Rocco Nacino at parang may malisya ang dating. Para sa akin, walang itulak kabigin kina Rocco at Rodjun Cruz. Si Rocco kasi, first time ko makasama sa pelikula at first time lang kaming nagkakilala nang personal. Pero napakabait at parang ang tagal na namin magkakilala. Si Rodjun naman, hindi ko alam na bata pa lang siya ay nagsama na kami sa Maalaala Mo Kaya nu’ng ginawa ang life story ko na ginampanan ni Vhong Navarro at si Rodjun ang gumanap na isa sa mga anak ko. Kaya doon muli ang aming pagkikita.
Sabi nga ni Xixi Maturan, isa sa mga kasama naming bading sa pelikula, tunay na katilam-tilam, kasi mas gusto pa raw niya ang katawan ni Rodjun kaysa sa nakababatang kapatid na si Rayver Cruz.
Okey,punta na tayo sa presscon proper. Siyempre, bukod sa dalawang bida, present din sina Arnell Ignacio, Direk Neil ‘Buboy’ Tan, at ang aming poging producer na si Riqui Cardenia. Kaloka ang mga tanong ng mga movie press na present sa presscon. Tinanong si Rocco kung talagang may bahid berde ang dugo niya, kasi ang galing niyang umarte as bading. Pa-ngalawang badingerze na role na ito ni Rocco na ang una ay sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, kung saan siya ang recipient last year ng Best New Male Movie Actor of the Year sa Star Awards for Movies ng PMPC.
Sabi nga ni Rocco, “Indie films have a place in my heart. Nagsimula ako sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, at dahil doon nagkaroon ako ng acting award.”
Pero bakit nga ba pumayag gumanap si Rocco sa isa na namang gay character on an inde film? “Actually, nag-enjoy ako sa pag-portray ko sa character. Kasi comedy naman itong I Luv U Pare Ko. Pero last ko na itong pag-portray ng gay character. I don’t want to be stereotyped as (onscreen) gay.” At straight man siya, kaya please ayaw ng mga fans.
Dadako naman tayo kay Rodjun. Matagal na siyang lumalabas sa mga TV drama, pero itong I Luv U Pare Ko ang una niyang pagganap sa pelikula.
Sabi niya, “First time kong magkaroon ng movie. Tapos ito ‘yung movie na ginawa ko. Masaya po, nag-enjoy ako dahil kakaiba siyang gay film, romantic na may comedy at drama. ‘Yung lahat ng tao, magpa-pamilya, magbabarkada, makaka-relate po sila.”
Initially, kay Rodjun sana ibibigay ang gay role. Gusto kasi ng manager ni Rodjun ang role bilang unang pagbibida ng actor sa pelikula. But eventually, kay Rocco rin napunta ang papel. Did Ronjun mind the switch in assigned roles, with his leading lady, Rocco Nacino? “Not at all,” he said. “Kasi pareho naman kaming professional ni Rocco. Kung ano po ang ibibigay sa amin na role, gagampanan namin.”
Sabi nga niya, ito ang dapat abangan! Very interesting! Kaya dapat nilang panoorin ang pinakabagong loveteam ng taon – RORO loveteam.
Direk Buboy Tan isa all-praise for Rocco’s and Rodjun’s efortless performance. “Naku, grabe ang gagaling nilang lahat, wala silang ka-effort-effort. Marami na akong nagawang indie films, hindi naman naka-sentro sa dalawang character o male lovers ang kuwento.” Laging kabilang ang karakter na gay sa ilan niyang indie movies, this time, nag-experiment si Direk Buboy sa genre ng comedy, na may kakaibang twist, tipong may “magic realism” ang obra.
Mas nakakatuwa ang pelikula at tiyak na mag-e-enjoy ang manonood dahil sa parehong natural nilang pagkakaganap. Kabilang sa cast sina Arnell ignacio, Melissa Mendez, Tita Swarding, Marissa Sanchez, Isadora, Xixi Maturan, Bekimon, Mark Anthony Puroy, at ang Wonder Gays na balitang watak-watak na raw. Produce by Hrix Films by new indie producer Riqui Cardenia (with Nona Marcelo as line producer). May gala premiere night sa February 5, SM Megamall Cinema 8, at showing na at all SM cinemas startng Feb. 6.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding