HINDI NAGING madali ang pagpili kay Rocco Nacino para sa papel na Pedro Calungsod na originally ay kay JM de Guzman sana. Nagka-problema kasi ang aktor kaya nawala ito sa kanya. Maraming tao ang pinagtanungan, hiningan ng opinyon, bago pa ang huling desisyon mula sa direktor na hahawak ng pelikula na si Direk Francis Villakorta.
Maraming young actor ang kinonsidera subali’t other than JM, para sa amin, perfect si Rocco sa papel ng batang santo. Unang requirement, mahusay umarte. Pangalawa, sakto lang ‘yung look ni Rocco na maamo ang mukha pati na rin ‘yung height niya dahil “short” lang si Pedro Calungsod. Professional din ito kaya hindi mabibitin si Direk Francis once nag-start na ang shooting.
May pelikulang dapat kasama si Roco na hindi nakapasok sa MMFF, suwerte niya dahil sa Pedro Calungsod, pang-MMFF na, bida pa siya!
RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer