NAGSIMULA NANG mag-shooting si Rocco Nacino para sa Cinemalaya entry na Hustisya na idinidirehe ni Joel Lamangan. Unang pagsasama nila ito ni Nora Aunor na siyang bida sa pelikula.
May pahayag ang Superstar na siguradong marami umano itong matutunan sa pakikipagtrabaho kay Rocco, excited daw ang aktres.
“‘Yon ang magandang thinking,” nangiting reaksiyon ni Rocco. Iyon ang magandang thinking na… walang ere. ‘Yong ano… acting is a never ending process. Excited din ako sa pagsasama namin sa trabaho. For sure marami akong matutunan. I’m getting into character na,” pagtukoy niya sa kanyang role bilang isang lawyer.
“Kinakausap ko nga si Sir Ricky (Lee, ang sumulat ng script ng Hustisya) tungkol sa character ko, e. Para mas maintindihan ko rin. Nag-reasearch din ako tungkol sa kung paano magsalita ang mga lawyer. Kung paano sila magdala ng conversation. First time ko kasing mag-portray ng ganitong role.”
Nabanggit din ni Nora na akala lang daw ng mga bagong sibol na artista sila lang ang nakararamdam ng kaba kapag nakaeeksena ang isang award-winning actress na gaya nga ng Superstar.
Aminado si Rocco na hindi niya maiwasang kabahan tungkol sa mga eksena nila ni Nora. Paano niya hina-handle o inu-overcome ito?
“I make sure kasi kapag kinakabahan ako, ina-acknowledge ko na kinakabahan ako. Pero pagdating sa eksena, I have to remove that. Oo. Pagdating sa eksena… equal kami,” ng kanyang kaeksena ang ibig niyang sabihin. “Pagdating sa eksena, dapat pantay na kayo. Bigayan na kayo. Very complicated and very interesting ang character ko rito sa Hustisya. Kasi dahil sa akin kaya siya (character ni Nora) magbabago.”
Second time na ni Rocco na makagawa ng pelikula para sa Cinemalaya. Ang una ay ‘yong Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa with Paulo Avelino kung saan nanalo siyang New Movie Actor Of The Year sa PMPC Star Awards For Movies.
“Balik-Cinemalaya ako. So, I’m really excited. And perfect timing lahat. Sabi ko nga, masaya ‘yong 2014 ko, kasi perfect timing ‘yong pag-travel namin ni Lovi sa Europe. Tapos pagbalik namin, heto na lahat ‘yong tungkol sa trabaho… nakalatag na. Medyo pagod nga ako kasi araw-araw akong nagtatrabaho. Pero ‘yon nga… very positive naman.”
Dahil nanalo nga agad siya ng award sa unang pelikula pa lang na ginawa niya for Cinemalaya, hindi malayong magkaroon ng expectation na muli siyang umani ng acting recognition sa Hustisya na kanyang pangalawa nga.
“A… hindi ko pa naiisip ang tungkol do’n. Oo nga, ‘no? Hindi ko pa naiisip. But then, a… tingnan natin. Kasi ‘yong dati na panalo ko for Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa, hindi ko inakala iyon, e.Hindi ko inakala iyon.
“Ako naman kasi, eveytime I do a film, hindi ko iniisip ‘yong tungkol sa pananalo ng award. I just want to deliver a good performance… the best that I can. And ano… sending out the message. Mas award kasi sa akin, sa totoo lang ‘yong sending the message of the character to the audience.Making people believe na iyon ang ipinakikita ng character ko. Iyon ang award para sa akin.”
Malaking motivation ba sa kanya na mas maka-deliver ng mahusay na performance kapag isang multi-awarded actress gaya ni Nora ang kasama niya?
“Yes! Of course. Alam ko marami ang naiingit sa akin ngayon sa nakuha kong proyektong ito!” tawa niya ulit na ang tinutukoy ay ang opportunity to work with the Superstar.
“Marami akong mga kaibigan na nagku-congratulate sa akin. So, I feel really blessed,” sabi pa ni Rocco.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan