DAHIL USONG-USO ngayon among local stars ang pagpapakita ng behind from Dingdong Dantes and Zanjoe Marudo sa One More Try at Richard Gutierrez sa Seduction, game rin daw ang isa sa lead star ng I Luv U Pare Ko na si Rocco Nacino na magpakita rin ng puwet sa kanyang pelikula.
Basta raw maganda ang proyekto, gagawin daw ito ni Rocco. Gusto na raw kasi nitong gumawa ng mga matured roles kaya naman daw kung kinakailangan talaga sa eksena ay gagawin niya maliban sa pakikipaghalikan sa kapwa lalaki na ayon dito ay may tamang panahon para gawin, kapag kaya na raw niya at handang-handa na siya rito.
Tsika pa ni Rocco, hindi raw big deal sa kanya kung isa na namang gay ang role na kanyang ginagampanan sa nasabing indie film na una na niyang ginawa sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, kung saan nanalo siya sa PMPC Star Awards for Movies for Best New Movie Actor, dahil maganda raw ang istorya ng pelikulang ito at maganda ang role na kanyang ginagampanan.
Kaya naman daw if ever na mabibigyan siya ng another gay movie, after ng said movie, at maganda naman ang istorya nito at markado ang role na kanyang gagampanan, gagawin at gagawin ito ni Rocco.
MASUWERTE ANG 2012 Mr. Olive C na si John Lucas dahil bukod sa pagiging endorser ng Olive C, pinasok na rin nito ang mundo ng showbiz katulad ng 2011 winner na si Hiro Magalona na isa sa prime teen artist ng GMA 7 at isa sa newest Regal Baby ng Regal Films.
Kung si Hiro ay naging Kapuso talent, si John naman ay nasa Kapamilya at isang Star Magic Talent. At bilang buena manong show nito sa ABS-CBN, kasama ito sa Kahit Konting Pagtingin kung saan magiging brother siya ng bidang si Angeline Quinto.
Tsika nga ni John nang makausap namin kamakailan, na si Kathryn Bernardo raw ang gusto nitong makatrabaho, bukod daw kasi sa maganda at mabait si Kathryn ay magaling pa itong umarte. Pero ang tanong, ipapahiram ba sa kanya ni Daniel Padilla ang kasalukuyang ka-loveteam? ‘Yan ang ating aabangan.
Kaya naman sa February 2 sa Grand Coronation Night ng Mr. and Ms. Olive C Campus Model search na gaganapin sa AFP Theater, 8 p.m., malalaman na ang puwedeng sumunod sa yapak ni John Lucas at Hiro Magalona.
MARAMING HUMANGA sa magandang pagganap nina Joyce Ching at Teejay Marquez sa nakalipas na Magpakailanman episode kung saan ginampanan ni Joyce Ching ang buhay ni Michelle na nalulong sa masamang bisyo at maagang nakapag-asawa. Habang ginampanan ni Teejay Marquez ang asawa ni Joyce Ching na katulad nito ay nalulong din sa masamang bis-yo .
Positibo at pasado ang naging feedback sa kauna-unahang pagsabak sa kakaiba at medyo matured role ng dalawa kaya naman puwede nang bigyan ng GMA sina Joyce at Teejay ng medyo mapanghamong papel para mas maipa-kita ng mga ito ang galing sa pag-arte.
John’s Point
by John Fontanilla