NAKARATING KAAGAD kay Rocco Nacino ang mahabang litanya ni Direk Erik Matti sa Facebook laban kay Lovi Poe dahil sa diumano raw pagtanggi ng actress na mag-shooting para sa Kubot, ang sequel ng Tiktik: The Aswang Chronicle.
Tinawag ni Direk Erik si Lovi na starlet at unprofessional. Natural na nasaktan si Rocco para sa girlfriend at sa grand presscon ng Hiram Na Alaala, bagong TV series ng actor kasama sina Dennis Trillo, Kris Bernal at Lauren Young, hiningan ng reaction ng press si Rocco.
Gusto ni Rocco na makausapp nang lalaki sa lalaki si Direk Erik na nagdeklara rin na hinding-hindi na raw makikipagtrabaho kay Lovi.
“I’m not in a position to talk, but then medyo na-upset din ako sa nangyari. Sinabihan ko siya (Lovi) ng mga dapat gawin. Desisyon ‘yon ng manager niya kung paano iha-handle ‘yon. Siguro dapat mag-usap sila in person in a closed-door meeting para magkaayos ang lahat. For sure, It’s a misunderstanding. We all know that Lovi is not like that. Mga cameos nga sa indie movies ginagawa niya, eh.
“Sa akin, upset ako. Hindi dapat ganoon ang pag-atake sa isang problema. There’s always a way to talk about it. Sana madaan sa magandang usapan. Medyo iniyakan niya. Very hurtful naman ‘yung mga words. I told her to be strong, sabi ko sa kanya she doesn’t have to feel bad about it. She’s not like that, para tumanggi. Medyo sad to talk, pero ‘yun lang, pag-uusap talaga ang kailangan,” mahabang say ni Rocco.
Ayon pa kay Rocco, hindi pa raw niya nami-meet si Direk Erik at nakatatrabaho.
“Kapag nakita ko siya, kakausapin ko siya. But then, I won’t take things into my own hands. Usap nang lalaki sa lalaki. Let’s be mature about it,” say pa ni Rocco.
Samantalang sa Hiram Na Alaala, hindi na nagdalawang-isip pa si Rocco na magpa-army cut para sa kanyang role na isang PMA cadet. Willing daw siyang dumaan sa pagbabago basta lang makuha ang tamang character na ipinagkatiwala sa kanya.
“Bilang isang actor, kailangang dumaan tayo sa maraming pagbabago. Hindi naman puwede na kung ano ang hitsura mo sa huling ginawa mong series, ganoon pa rin sa susunod. Bukas ako sa physical change dahil ‘yun ang malaking tulong para maramdaman ko ang binigay sa aking character.”
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo