HUMINGI NG suporta ang NPC sa pangunguna na bagong Pangulo na si Joel Egco at kanyang bise na si Benny Antiporda sa samahan ng PMPC na tulungang i-promote ang remake ng pelikulang Ibong Adarna na ididirek at produce ni Direk Jun Urbano.
Hindi nakarating si Rocco Nacino, sa mini-presscon na ipinatawag para makatsikahan ng press, na siyang gaganap na Prinsipe na siyang hahanap sa mahiwagang Ibong Adarna para magamot ang walang lunas na karamdaman ng Sultan na gagampanan ni Joel Torre.
Akala tuloy ng ilan ay inisnab ng boyfriend ni Lovi Poe ang naturang mini-presscon ng sariling movie. Maagap naman na ipinagtanggol ni Direk Jun na masama raw ang pakiramdam ni Rocco kaya hindi makararating tulad din ni Joel Torre na hindi nakarating.
Mabuti na lang dumating sina Leo Martinez na lalabas na walanghiyang kapatid ng Sultan at sina Ronnie Lazaro, Lilia Cuntapay, at iba pang kasama sa cast.
Anyway, sabi ni Direk Jun Urbano, ang Ibong Adarna ay isinulat noong panahon ng Kastila ay bibigyan nila ng Pinoy interpretasyon na kanya ngang ididirek.
Sa version ni Direk Jun, tinanggal na niya ang tatlong Prinsipe at ginawa na lang isa na gagampanan nga ni Rocco dahil isang adventure movie at hindi love story ang Ibong Ardana.
“Nais naming makapaghandog ng bagong pelikula, something that’s entertaining yet substantial. It’s a cut above the rest in many aspects,” say ni Direk Jun.
“I’m proud dahil ako ang gumawa ng ikaapat na version. It’s an honest to goodness and sincere film. It’s worth viewers’ hare-earned money. I hope that its audience, especially the student, will feel like they are watching the adventure movie, Indiana Jones.”
Ayon pa kay Direk Urbano, ang bagong version ng Ibong Adarna ay naaayon sa panlasa ng kabataan, “Imbes na Sultan, ginawa kong hari. Mayroon din itong nuno sa punso, aswang at haribon, or Philippine eagle,” paliwanag pa ni Direk Urbano.
When ask kung bakit ‘di ito nakapasa sa nakaraang Metro Manila Film Festival, samantalang inendorso naman ito ng Departnment of Education?
“Yan nga ang itinatanong ko hanggang ngayon. Two years ago ay isinali ko nga ito sa taunang festival natin (MMFFP) pero ‘di nakapasok. Ayaw ko nang magtanong at baka ma-stress lang ako. Gusto nila yata ay yung paulit-ulit na lang na istorya ng pelikula,” pahayag pa ni Direk Jun Urbano.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo