NOONG SABADO, July 5, umamin na si Lovi Poe sa Startalk na mag-on na nga sila ni Rocco Nacino. Marami ang natuwa na finally, naging open na sa publiko ang tungkol dito.
“Well, now you all know so… I’m happy and kilig!” masiglang pahayag nga ng aktor nang makausap namin sa Sunday All Stars. “Hindi ko napanood ‘yong guesting niya sa Startalk. Nasa Cebu ako no’n. I was playing a game on my phone on my way to our show. Tapos I kept getting text messages. Siguro naka-fifteen na texts. Tapos ang dami ring nagtu-tweet sa akin. Sabi ko… bakit gano’n? Anong nangyayari? So, itinigil ko ‘yong laro ko.
“Tapos pagtingin ko sa inbox, ang daming nagku-congratulate. Sabi ko… what’s this? Anong nangyayari? ‘Yon pala! And.. hindi naman namin napag-usapan ‘yon. Wala sa usapan namin. Kasi ang sa amin talaga… we’ll keep it in private. Oo. Kasi like I said, tuwing ini-interview nga kami… we’d rather keep it private na lang. E, siguro oras na rin para malaman. Sabi ko nga, in due time malalaman din naman.”
Ano ang pakiramdam niya na si Lovi ang nagkumpirma na mag-on na nga sila? ‘Di ba dapat ay lalaki ang unang umaamin? “Hindi dapat ang lalaki. Dapat ang babae. Ako… niri-reconfirm ko. Na… yes!”
Ilang buwan na ba silang mag-on? “Two months na.”
Nagsi-celebrate ba sila ng monthsary? “Hindi uso sa akin ‘yong mga gano’n, e. But then ano, parang sinasabi ko sa kanya no’ng one month na naming na… it’s our first. Parang may konting ilang pa. And we just ate out lang naman. Very casual lang. But then, gano’n pa rin.
“Everytime na magkasama kami, special ‘yon. So, extra special lang ‘yong pagsi-celebrate ng monthsary. But then, ‘yong nga… everytime na I’m with her, masayang-masaya ako.”
Dati, hindi basta-basta nagsasalita si Lovi sa nagiging karelasyon nito. Nakagugulat talaga na umamin at naging vocal ito.
“Uncomfortable siya when it comes to these things… ‘yong tungkol sa personal o pribado niyang buhay. And hindi ko alam kung paano rin nalabas ‘yon. Siguro dahil kita rin naman sa mukha niya na masaya siya. Ako, masayang-masaya ako. Kaya siguro kampante rin ako na maging open about it.”
For the longest time na tinatanong sila kung ano ba ang real score between them, parang laging pigil na pigil sila na magsiwalat ng kanilang totoong saloobin. Matapos ang pag-amin ni Lovi, may relief na silang nararamdaman?
“Something like that. Pero no’ng nag-usap kami pagkagaling ko sa Cebu, dumiretso ako sa kanya na… anong nangyari? Tapos sabi niya… si Heart (Evangelista) nando’n din sa Startalk na tsini-cheer din siya. Parang may basketball game daw sa loob ng studio na ang dami raw nagsisigawan nang nag-yes siya na kami na nga.
“It’s a good thing na in actually that people know. Sabi ko, kita naman sa pictures, e. So, confirmation na lang. Happy naman. Kinilig ako!” sabay ngiti ni Rocco.
Sa Paris daw siya sinagot ni Lovi. Ito ‘yong nag-dinner silang dalawa sa Eiffel Tower. “Very romantic sa Paris. It set the mood lalo. So, after that (dinner nila), ‘yon nga… we were inseperable.”
Kung sa Paris siya sinagot ni Lovi, saan kaya naman posibleng mangyari kung magpu-propose na siya?
“Sa Mars!” natawang biro ni Rocco. “I don’t know. Hindi pa namin iniisip ‘yan. But then, ‘yon nga… things are going really really well. Alam n’yo na na we’re together.
“Uhm… hindi naming pinangungunahan ‘yong mga bagay-bagay. Ang dami niyang priorities, e. Ako ang dami rin,” sabi pa ni Rocco.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan