KAHAPON, LINGGO, March 15 ay nag-celebrate ng kanyang 28th birthday si Rocco Nacino sa Sunday All Stars. Noong Sabado naman, March 14 ay nagkaroon din siya ng advance celebration na ginanap sa Bahay Aruga, isang shelter para sa mga batang nakikipaglaban sa sakit na cancer.
Kasama ni Rocco ang kanyang mga magulang, younger brother na si Kyle Nacino, at ang fans club niyang Rocofellas. Naroon din ang ilang taga-Artists Center ng GMA 7 at ilan pang malalapit na kaibigan.
“Quick recovery for these kids,” nakangiting sabi ni Rocco nang tanungin namin kung ano ang kanyang birthday wish.
“Dahil nakatutuwa itong Bahay Aruga. Hindi naman sila kumikita para sa sarili nila, e. They’re doing this for the kids talaga.”
Rocco’s mom, Mrs. Linda Nacino is a cancer survivor. And this is the reason kung bakit laging mga batang cancer patients ang pinipili ni Rocco na maging beneficiay ng anumang charitable activity na ginagawa niya.
“Kaya sa family ko, sobrang naa-appreciate namin itong buhay namin. Lalo na for these kids na dapat naglalaro at dapat nag-aaral. So, as much as possible, gusto nating pasayahin sila. Kaya ang birthday wish ko is to be able to do more of these things.”
Marami nang ganitong charitable activity na nagawa si Rocco. At ito ay hindi lang kapag birthday niya kundi maging kapag panahon ng Kapaskuhan.
“Paiba-iba kami, e. We don’t stick sa isa lang. Para nga makaikot kami, meet new people and new foundations. Para makatulong sa iba-ibang organisasyon. Kumbaga, para equal na rin. Walang pinipili talaga.”
Sa March 21 pa ang mismong birthday ni Rocco. Pero wala raw siyang party kundi kakain lang sila ng kanyang pamilya kasama siyempre ang girlfriend niyang si Lovi.
May birthday gift na ba sa kanya si Lovi?
“Wala pa, e. Wala pa. Panay nga ang kulit niya sa akin kung ano ang gusto kong gift, e. Sabi ko… well, sa totoo lang hindi ko talaga alam. Kapag tinatanong ako kung ano talaga ang gusto kong gift, uhm… wala talaga akong masagot, e. Mas importante sa akin ‘yong presence of my family, alam mo ‘yon? Like a small dinner lang. Napakaimportante na no’n sa akin. ‘Yon… gift na sa akin iyon. Hindi mahalaga sa akin ang mga material na bagay.”
Ngayong 28 years old na siya, ano ang mga goals na gusto pa niyang ma-achieve sa puntong ito ng buhay niya at career?
“Sa career ko ano… to portray many roles as I can. The more challenging, the better. At saka makapag-ipon. I’m 28 na so siguro… start na rin para makapag-ipon for the future. Para kung sakaling ready na akong mag-settle down. And hopefully makabalik pa rin ako sa medical profession.”
Graduate ng Nursing at pasado sa board exam si Rocco. Kaya hindi niya isinasa-isantabi ang hangaring ma-practice din niya ang kanyang pinag-aralan.
Ano ba ang ideal age niya to settle down?
“It depends, e. Kung ano ang mga nagawa ko na sa buhay, doon ko lang malalaman na ready na ako. Pero siguro ang ideal age… early thirties. Mga 32 o 33… gano’n. I can’t say, e. We’ll never know talaga.”
Papasok na ang summer. Ano ang plano niya?
“I’ll be working. May mga regional appearances akong gagawin. Tapos this summer, ‘yon… anniversary namin ni Lovi (Poe). Sa Palawan naman kami. Nakapagpa-book na kami sa isang resort doon. For four days lang. Very private ‘yong pupuntahan naming island. So more of resting, appreciating nature at hindi ‘yong gimik-gimik. It will be more of appreciating Palawan. Enjoy the beach. ‘Yong… relaxing. Gano’n.”
Baka naman may plano rin siyang supresahin si Lovi at mag-propose siya roon?
“Hindi pa!” natawang sagot ni Rocco. “Matagal pa. Matagal pa ‘yon. We both know na matagal pa ‘yon. Kasi ang dami pa naming gustong gawin. So, at least alam ko na sinusuportahan niya ako sa mga gusto kong gawin. Sinusuportahan ko siya sa mga gusto niya ring gawin. So, it will come na… okey na kami at magsi-settle down.”
Nagkakilala na ba sila ng half-sister ni Lovi na si Sentaor Grace Poe?
“Hindi pa. Hindi ko pa siya nami-meet. Hopefully one day,” panghuling nasabi ni Rocco.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan