NAGSIMULA NANG mag-taping si Rocco Nacino para sa Hiram Na Alaala. Parehong sundalo ang role nila ni Dennis Trillo sa upcoming primetime series na ito ng GMA kung saan tampok din si Kris Bernal.
Kamakailan, five days straight siyang nanatili sa PMA (Philippine Milatary Academy) sa Baguio City. Bago kunan ang mga eksena niya roon ay sumailalim din siya sa training na karaniwang pinagdaraanan ng mga kadete roon.
Na-miss daw niya ang girlfriend niyang si Lovi Poe. Kapag nagkakausap daw sila through phone, lagi niyang sinasabi sa aktres na gusto na niyang umuwi.
“Pag-uwi ko, we met up. Sabi niya, excited siyang makita ‘yong buhok ko.”
Anong reaksiyon ni Lovi nang makita siya with his military haircut?
“Pinagtitripan niya ako. Hinahawakan niya. Sabi niya… it’s not so bad naman. Over-thinking daw ako!” tawa na naman niya.
“Sabi ko… pangit. Sabi niya… it’s not so bad. Tapos she was taking videos. And then ‘yon… nag-date lang kami. Ano nga raw, e… bad boy nga raw ang dating ko sa gupit ko ngayon!” natawang sabi pa ni Rocco.
“I’m beginning to like it. At actually… okey siya. Malamig siya sa ulo! First time na magupitan ako nang ganito kaiksi. Medyo tumubo na nga, e. No’ng ginupitan ako last week, skin-head talaga. No’ng first night na ganito ang buhok ko, hindi ako makatulog kasi nanibago talaga ako. But then ano… ramdam na ramdam ko ‘yong character ko. Ngayon nga, naka-PMA na dog tag ako para mas maramdaman ko pa. Hindi biro rin ‘yong training. May mga martsa at mga obstacle courses.”
‘Yong mga nag-train sa kanya sa PMA, mga totoong military officers talaga?
“Oo. Tutok talaga kung ano ang ginagawa. Tapos may trainihg din kami sa pag-handle ng baril. At alam ko, may sky diving pa. May isang scene nga na sinurprise ako ng director namin. ‘Yong… kung paano salubungin do’n nga sa PMA. Ang akala ko magsi-shake hands lang. Pero ‘yon pala sinubok kami do’n!” tawa ulit niya.
“Kung anu-ano ang ipinapagawa sa amin. May jumping jack, push ups, sit ups, at pinagsisigawan pa kami sa tenga. Na-surprised talaga ako ro’n. Pero at least natural ‘yong nangyari. Ipina-experience sa akin. So, I’m happy. I’m happy to be a part of this project. At mukhang kailangan kong kumain nang marami at mag-vitamins para malakas palagi.”
Pareho silang magaling na aktor ni Dennis. So, inaasahan na ang tagisan nila ng husay sa pagganap sa kani-kanilang karakter.
“I never thought of competition dito. Dahil iba ‘yong atake ng character ko at iba rin ang atake no’ng sa kanya. We both deal with different psychological issues here. Kaya iba ‘yong pag-arte niya sa character niya, iba rin ‘yong sa akin. Okey naman ako. Wala namang kumpetisyon. It’s an honor of course working with Dennis.”
Nakatutuwa na napagsabay niya na maging maganda ang takbo ng kanyang career at pati ang lovelife niya. Hindi lahat ng artista ay kaya itong ma-achieve.
“Talaga?” nangiti ulit na reaksiyon ni Rocco. “Siguro I have to give it to my parents for raising me well. Inuna ko muna ang edukasyon ko. And… everything fell in the right place. Basta ano… masaya lang. And have fear in God. Siya na ang bahala sa ‘yo. At saka si Lovi, very supportive din. Very supportive talaga siya. Pareho naman kaming supportive sa isa’t isa. It takes two to tango, e. Kailangang dalawa talaga kayong magtulungan. So, sa simula pa lang alama na namin na ‘yon nga… nandito kami para sa isa’t isa. Not to bring each other down but to support each other,” sabi ni Rocco.
Greetings: Happy birthday to our friend Raymond Virtudazo Calipay of Republic, Fairview, Quezon City. Cheers!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan