PASS MUNA ang mahusay na actor na si Rocco Nacino sa mga proyektong magre-require ng pagpapakita ng hubad niyang katawan habang ginagawa niya ngayon ang film-bio na San Pedro Calungsod: Batang Martir, na isa sa entries sa Metro Manila Film Festival sa December.
Tsika nga nito, “Oo, eh. Tumanggi muna ako sa Cosmo Bash,” pagkumpirma niya.
“Para kumbaga, in character na po ako, eh. Napi-feel ko na po ‘yung character ko (as Pedro Calungsod). Gusto kong i-hold ‘yon. I don’t wanna do too much para hindi ako makalas sa character ko.
“Lalo na sabay-sabay kong ginagawa ngayon ang San Pedro Calungsod, Akin Pa Rin Ang Bukas, ‘yung character ni Mayor Joseph sa Titser, tapos magkakaroon ng part two ‘yung Bayan Ko. Ang dami nang roles, baka masiraan na ako ng ulo!” tawa niya.
“Kaya ayoko ring i-tire ang sarili ko dahil kailangan mo talagang mag-prepare para sa Cosmo Bash. So, gusto ko rin ngang i-embrace ‘yung image ko bilang Pedro Calungsod,” pagtatapos ni Rocco.
PAREHONG KINILIG ang Tween Star na si Teejay Marquez at ang Korean Star na si Hari na nagpasikat ng awiting Gwiyomi nang magkasama ang mga ito sa mismong show ni Hari sa Marquee Mall Pampanga, kung saan pino-promote ng Korean Star ang kanyang album na kinapapaloban ng sikat na sikat na Gwiyomi song.
Tsika nga raw ni Hari na cute daw ang Pinoy Teen Star, habang gandang-ganda naman si Teejay sa Korean Singer. Balak nga raw ni Teejay na maka-duet si Hari kung papayag ito.
“Why not, ‘di ba? Isang malaking karangalan sa akin na maka-duet siya. Pero siya ‘yung tanungin n’yo kung gusto ba niya.
“Tsaka if ever na pumayag siyang maka-duet ko, kailangan ko pang mag-aral ng Korean, kasi hindi ako marunong. Or kakanta kami ng Tagalog song at siya naman ang mag-aaral na mag-Tagalog. Hahaha!” pagtatapos ni Teejay.
MARAMI MANG fans nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona ang hindi ayon sa pagtatambal nina Kristoffer Martin at Julie Anne, mero namang mangilang-ngilang tagahanga ni Julie Anne ang aprubado ang pagtatambal ng dalawa.
Pero hindi nga maiiwasang makabasa ni Kristoffer ng mga mensahe sa Twitter na salitang minsan ay nakasasakit na rin sa damdamin galing na rin sa tagahanga ng JuliElmo. Pero trabaho lang daw ang gusto ni Kristoffer kaya naman wala siya sa posisyon para mamili ng makakapareha dahil network decision ito at gusto rin naman niyang makatrabaho si Julie Anne.
“May nabasa nga ako na, ‘umaasa kami na JuliElmo’ na ‘iiiyak ko na lang ‘to dahil hindi pala JulieElmo.’ Gano’n. Trabaho lang naman. Siguro hindi naman ito ibibigay sa amin kung hindi dapat.
“At saka hindi rin naman siguro talaga paghihiwalayain ‘yung JuliElmo na loveteam. Hindi naman kasi laging nakadikit doon sa loveteam, eh.
“Malay mo, sina Julie Anne at si Elmo, may mga sarili nang path ng career nila. At iyon siguro ang ipina-prioritize ng network. So, sana maintindihan naman ng followers ng JuliElmo. At sana suportahan nila ‘yung soap. Hindi nila ba-bash-an!” medyo natawa ulit na sabi pa ni Kristoffer.
“But so far, wala pa naman akong bashers dahil sa pagtatambal namin ni Julie Anne. Ewan ko lang sa mga susunod na araw!” tawa na naman niya.
“Nu’ng nalaman ng fans na kami ni Julie Anne, may mga nababasa ako sa Twitter na, ‘mas maganda pa raw sana kung JuliElmo’,” pagtatapos ni Kristoffer.
John’s Point
by John Fontanilla