Kung Akala natin na very liberated si Rochelle Pangilinan, hindi pala. Impresyon lang pala ng karamihang sa isang “manang” na tulad niya na laki sa lola.
Kaya nga laugh trip kami nina Nitz Miralless noong ini-interview namin si Rochelle Pangilinan at the press launch ng kanyang bagong afternoon-serye na “Wish I May” ng tambalang Bianca Umali at Miguel Tanfelix na nagsimula na noong Lunes, January 18, right after “Eat Bulaga!”.
Sa tagal na ng relasyon nila ng boyfriend na si Arthur Solinap, never pa palang nag-offer ng kasal ang binata sa kanya.
Sa almost 8 years nilang relasyon, walang maalala si Rochelle na inoperan na siya ng boyfriend ng kasal. “Time will come. Darating din po ‘yan,” sabi niya.
What if kung ikaw ang mag-offer ng kasal sa kanya? Okey lang ba?
Natawa si Rochelle. “Parang hindi po maganda. Akala nga nila liberated ako pero conservative po ako. Laking lola ako kaya siguro wala ako ganyang thoughts,” sabi niya.
The old style ligawan or kasalan pala ang gusto ni Rochelle. Hihintayin niya na ang lalaki ang mag-offer sa kanya ng kasal na ‘di tulad ng iba na sa pagiging liberated ay into live-in, at kung minsan oks na sa kanila ang ganitong set-up at ang paniwala abala lang ang kasal na sa ending kapag hindi nagkasundo at maghihiwalay, mas madali at hindi kumplikado ang split-up.
Sa pagkakaalam ko, nakilala na ni Rochelle ang pamilya ni Arthur sa Visayas, and so far, okey naman ang relasyon ng dalaga sa kanyang magiging future in laws.
Biro nga namin kay Rochelle na baka may makasingit sa kanila ni Arthur at baka pagsisihan niya na ang walong taong pagmamahalan nila (lalo na siya) ay mababale-wala.
Reyted K
By RK VillaCorta