Rocky Ubana: tibo ang puso astig sa trabaho

PAG-USAPAN NAMAN natin ang mga nasa likod ng kamera. Kung wala ang mga ito, walang sikat at maningning na mga stars o artista. Ito ang tinatawag na Production Team. Naks! Madugo ang usapan dito. ‘Andu’n ang tungkol sa inuumaga, ‘andu’n ang walang uwian, ‘andu’n ang mabilisan, ‘andu’n ang akala mo mag-aaway, ‘andu’n ang kailangang may magsigawan. Parang walang kapaguran dahil kailangang matapos ang isang palabas. Pero teka, ha? Walang personalan, trabaho lang. At sa huli ang kinalalabasan ay ang isang episode o programa sa telebisyon o kaya sa pelikula. Sa likod ng bawat tabing, sila ito. Kaya naman interesado ako na bigyan sila ng isang malaking respeto at pagkilala. Bakit ‘kamo? Kumuha rin ako ng Film & TV Production sa GMA at ang ilan sa aking mga naging mentors ay sina Direk Rahyan Carlos at kilalang manunulat na si Ricky Lee.

Heto pasadahan na natin ang usapan namin ng isa sa Executive Producer ng ABS-CBN na si Rocky Ubana. “Oho, behind the camera lang.”

Kasi sila ang nagpapasikat, pero sila ang nakatago. “Hindi naman. Pero parang ganoon na nga rin, sir.”

Ah you’re very rocky. “Ah, parang boksingero lang po.”

Bakit naging Rocky? “Racquel po ako!” Ah, masculine ka kasi? Eh, why oh why? “Ah, hindi ho bagay ang Racquel kaya ginawa nilang Rocky. Mas naangkop sa hitsura.”

Ah, ma’am paano kayo napunta sa ganoong field? “Ah, ‘yung course ko naman nu’ng college eh, Communication Arts. Gusto ko talaga, showbiz.”

Pagka-graduate, matapos ang ilang linggo nagkaroon siya agad ng trabaho sa Channel 5 noong 1996. Naging part siya ng pagsisimula ng Wow Mali, Easy Dancing, Tropang Trumpo kasama sina Direk Bobot samantalang si Jun Rufino pa ang boss doon. Sa una ay PA (Production Assistant) lang siya bilang entry level. Kaya nagpasiya siya na lumipat sa malaking network kung saan natanggap siya agad bilang Segment Producer.

“’Eto na ‘yung PA ako pero nagtitimpla ako ng kape. Nagsu-shoot ako sa labas, ako na ang lightman, hindi naman ako nag-audioman. Pero marunong po akong mag-kamera kung kaila-ngan nila ng cameraman.”

Astig! Matanong pa kaya ng matindi-tindi. Pero ito pa ang tanong baka sampalin mo ako. Hehe. “Ah wala na pong gugulat sa akin na mga tanong, hehehe!” tawa niya.

Ah, nagkagusto ka na rin ba sa lalaki? “Ah, ‘nung high school po ako. Ah, pero mas gusto ko po ‘yung kapatid na babae. Babae po ang hanap!”

Sa pagpapatuloy niya tungkol naman sa working experience niya with ABS-CBN, “Variety show muna ako mga 3 to  4 years: Cristy Per Minute, Kris Aquino na talk show po dati, Talk TV, Morning Star. Tapos ‘nun, nag-reality shows naman ako ‘yung Victim, Victim Extreme, Asap. Tapos nag-drama naman ako nang matagal na panahon, tapos ngayon comedy.”

So paano ba ‘yung gawain ng Executive Producer, halimbawa ‘eto na ‘yung programa, pagkatapos ng programa ay mukhang mali ‘yung shots ninyo, ‘yung anggulo medyo hindi maganda para sa viewers, nakikialam din kayo sa ganyan? “Actually, ‘yung direktor po lagi ko kasing katabi kapag nagte-taping, siguro lang minsan nakakaligtaan nila ‘yung emotional continuity o kaya ang pinanggalingan ng eksena; tumatawa tapos biglang dito iyak. Parang pinapa-alala lang po namin na ‘direk, sorry po ganyan’ o kaya nagkaroon ng sabit, nag-buckle ‘yung artista ganyan. Sasabihin namin, ‘direk p’wede pong paulit?’ Para ‘yung final na output maganda. Ah, anong masasabi n’yo ngayon ma’am dito sa show n’yong Toda Max at ano ang mga karanasan ninyong nakakatawa?

“Actually sir, marami. Halos lahat nakakatawa. Ang totoo ngayon lang ako nag-comedy. Sa totoong buhay po talaga, palatawa akong tao. So, nabobonggahan lang talaga ako sa comedy kasi ang saya.”

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

For comments, email: [email protected], cp 09301457621

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleTsikboy raw Hiro Magalona, may Kim Komatsu na, may Yassi Pressman pa!
Next articleKris Aquino, ibinuking si Diether Ocampo!

No posts to display