BLIND ITEM: KUNG tutuusin, labs ko ang kikay na young TV host-actress na ito. In all our encounters, lalo’t sa tuwing igine-guest ako noon sa kanyang daily show, she would accord me due respect.
Huwag na ang kanyang mediocre hosting, kakikitaan pa rin naman siya ng malaking imrpvement in this field given a few more years (like her sister?). But I admire her respect sa aming mga may edad nang reporter (she calls me Kuya Ron).
Nakalulungkot lang isipin that she’s no longer the sweet girl I once knew, base sa mga kuwento ng kanyang umano’y pagmamaldita sa mga mismong “kapatid” niya sa network. Not only does this piece of news make me sad, nakaka-bother din ito as to her showbiz career which, whether she likes it or not, hasn’t really taken off.
Hindi rin siyempre maiaalis na ikumpara siya sa kanyang ate, na isa nang established TV host of a mainstream program in a rival channel. Again, I won’t deny na malapit sa aking puso ang subject ko, let her extract a juicy thought or two from this item.
Alam kong sasang-ayon sa akin sina Alex Marcelino at Alex Crisano.
HOW VIVA FILMS’ Petrang Kabayo was conceived ay tila kasing tulin din ng isang pangarerang kabayo. Let my equally fast, galloping facts say it all.
Nanonood ng showtime si Direk Wenn Deramas. Naaaliw siya kay Vice Ganda. Agad niyang tinawagan si Boss Vic del Rosario. “Boss Vic, panoorin mo si Vice Ganda,” sey ni Direk. Tumutok si Boss Vic. Naaliw rin siya. May proyekto nang nabuo si Direk. Sumang-ayon si Boss Vic. Pero kailangang tawagan ni Direk si Pablo S. Gomez. Ipinagpaalam niya ang rights nito. Umokey naman ang batikang nobelista. Tinawagan ni Direk si Roderick Paulate, ang bida sa original version nito. Pagpapaalam lang ‘yon na kung puwede, meron itong role sa movie. Tumanggi si Kuya Dick. Dahil win bilang QC Councilor, wa type ni Kuya Dick ang project. Entonces, natuloy pa rin ang project.
Aside from the joy that I share with Vice Ganda, masaya rin ako sa break na ibinigay kay Eagle Riggs whose role ay dating ginampanan ni Zorayda Sanchez (SLN). Bagama’t my years-old friendship with Eagle has been reduced to textmatehood lately, tagahanga ako ng kanyang talento na sana’y mapalawig pa niya.
AMINADO SI RYAN Agoncillo that it wasn’t an easy uphill climb para sa hino-host niyang Talentadong Pinoy that’s lording it over the weekend ratings. Maging ang ilan kasing mga programa sa TV5 have made it to the second slot, next to GMA? Kaya naman ipinagbunyi ng Kapatid Network ang kanilang ranking.
Ryan is humble enough to say though that whatever rating success na ine-enjoy ng TV5 did not happen overnight. Sobrang hirap din naman kasi ang ipinuhunan lalo na ng Talentadong Pinoy in its bid to carve a niche on Philippine TV sa larangan ng pagtuklas ng mga talento.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III