HE PREFERS to be called public servant kaysa sa tawagin siyang pulitiko. Hindi naman kasi siya ‘yung tradisyonal na konsehal sa Quezon City na naka-super tinted na malaking black Pajero or ‘yung malalaking kotse na bago siya bumaba ay may tatlo hanggang apat na bodyguards na nakapaligd sa kanya.
Ayaw ni Kuya Dick nang ganu’ng set-up sa buhay niya bilang isang lingkod-bayan sa kanyang kinasasakupan sa Distrcit 2 sa Kyusi. Sa katunayan, siya lang yata ang konsehal na naglilingkod na bumibiyahe na walang bodyguard. Na kasa-kasama lang niya ay ang driver niya at ang ever loyal na personal assistant niya na si Cente na noon pa man ay nasa buhay na ni Kuya Dick, na kasama niya sa hirap at ginhawa.
Sa last Monday intimate dinner namin with Kuya Dick with old press friends niya (Pilar Mateo, Ricky Calderon, Nitz Miralles, Weng Aguilada, Richard Pinlac, Ms. F, at Rey Pumaloy) it took so long bago namin siya muling nakaharap at nakasama. Dati-rati, noon hindi pa ganu’n kahigpit ang ABS-CBN studio sa Sgt. Esguerra, regular fixture kami, at regular na bumibisita kay Kuya Dick kapag may show sila ni Carmi Martin na Dick & Carmi.
Barkada namin si Kuya Dick. Hindi bilang artista at reporter ang relasyon namin sa kanya. ‘Pag nabuburyong siya at may insomnia, magpapaabot siya ng mensahe sa amin na gusto niyang lumabas. Iinom siya ng soda at ako naman iced tea at talk show na kami hanggang antukin.
Regular naming tambayan ay ‘yong isang tahimik na bar sa dating V.V. Soliven building sa may Annapolis Street malapit sa kanto ng EDSA. Wala lang. Kuwentuhan ng kung anu-ano. Usaping showbiz, kuwentuhan tungkol sa buhay-buhay namin at ang minsan ay nangarap siya na pasukin noon ang paglilingkod-bayan, pero ayaw ni Mamang dahil magugulo ang buhay niya.
Kaya nga kapag may nagbibiro sa kanya na maging corrupt din siya o ipasa at apruban ang isang pabor na ibinubulong sa kanya, laging biro sa kanya ng mga kapatid, ayaw ni Mama, at halakhakan na lang ang mga kaibigan niya na nakapaligid sa kanya. Ang mga magulang ni Kuya Dick ang kanyang konsensiya kaya wala kang maririnig na sumabit sa isang scam ang komedyante-TV host.
Si Kuya Dick, wala pa ring pagbabago except sa bisyo niya na paninigarilyo na natangal na at nakasanayan. ‘Yung insomnia niya, meron pa rin, pero huminto na siya sa pag-inom ng sleeping pills.
Ang latest kay Kuya Dick, naghahanap siya ng magiging bodyguard niya. May death threat na rin kasi siyang natatangap.
“Sabi kasi sa akin na kailangan ko na raw, dahil medyo mainit-init na rin ang sitwasyon,” kuwento niya sa amin habang nginunguya niya ang grilled pork chopped na inorder niya habang ako naman ay ‘yong garlic pepper salpicao.
Si Nitz, in between taking notes, sumusubo ng Hainanese Chicken na inorder niya na nakikiamot naman ako dahil masarap.
Karamihan sa tsikahan namin last Monday over dinner sa isang resto along Roces Avenue ay mga off the record. Kaya kapag si Kuya Dick ang nag-iimbita, halos kami-kami rin ang nakakasama niya mula pa noong panahon na roon pa sila nakatira sa Valenzuela Street sa may bandang Mandaluyong na binabaha ang harap ng bahay.
Kuwento nga niya sa grupo, “I remember si Nitz, gusto akong ma-interview, kaso ayaw ko. Pero inaya ko siya sa house. Sabi ko sige magpapa-interview ako sa ‘yo, pero rito sa house. Imbis na nag-interbyuhan, hayun natulog kami sa sahig habang nanonood ng palabas sa VHS,” natatawang balik-alaala ni Kuya Dick.
Sa April 26, pararangalan si Kuya Dick sa 6th Golden Screen TV Awards sa larangan ng comedy na gaganapin sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC, Plaza sa Makati.
Hihirangin si Kuya Dick ng ENPRESS at bibigyang-parangal sa kanilang Helen Vela Lifetime Achievement Award sa larangan ng komedya. Kinikilala ng samahan ang kagalingan ng isang Roderick Paulate sa genre ng comedy sa mga roles niya noon sa telebisyon.
Naaalala n’yo pa ba si Rhoda sa sitcome na Tepok-Bunot bilang isang bading, ang parlorista sa political satire na Abangan ang Susunod na Kabanata, ang beking may lihim na pagmamahal kay Aga Muhlach sa Oki Doki Doc, at kung anu-ano pa?
Si Kuya Dick, ganu’n pa rin. Hindi pa rin nagbabago. Aliw pa rin kahit paminsan-minsan na lang kami nagkikita dahil sa kabisihan niya sa pinasok na pagiging isang lingkod-bayan sa kanyang kinasasakupan.
Reyted K
By RK VillaCorta