SI RONALD Rosacay ay isang pintor mula sa Angat, Bulacan. Siya ay nagtapos sa Philippine Women’s University at nagsanay sa Philippine Association of Printmakers. Kasamahan ko siyang artist noon pang 1980’s.
Kita mo naman, mga bata pa kami. ‘Ando’ng inabot pa namin ang mga hirap bilang alagad ng sining sa pintura. Kasi sa panahon noon, naging mailap ang pananalapi bilang artist. ‘Ika nga, ‘survival of the fittest’ ang mga artist noon.
Isa na ako sa mga nagdadala ng mga paintings sa mga galleries sa tabi ng San Agustin Church. Ito ay mula sa Galeria delas Islas hanggang sa Philamlife sa U.N. Avenue at sa may Pope Pius hanggang sa Print Collection sa Herran Street.
Narito ang ating panayam sa isa sa mga naging struggling artist noon, ngunit kilala na ngayong artist na si Roland Rosacay.
Taga-rito ka ba sa Navotas? “Ah, taga-San Mateo, Rizal po ako.”
Ah, ano ba ang mga experiences pa natin bilang pintor, halimbawa dito sa exhibit? “Ang totoo, marami akong ginagawa. Minsan gumagawa ako ng mga admin papers, kapag nagpapahinga ako, nagpe-paint ako. Minsan gumagawa ako ng sculpture.”
Pang-ilang exhibit mo ba ito sa group show? “Ang group show ko siguro eh, nasa 200 na at fifteen one man show. Ah, kasi ako, pinipili ko kasi. Ayaw ko namang sige nang sige, pinipili ko pa rin. Tingnan ko ‘yung ibang piyesa ko, ‘yung ibang hindi ko pa inilalabas.”
So, ano ba ang inspirasyon mo sa pagpipinta? Babae ba o lalaki? (Model sa pag-post ng nude.) “Isa na ang babae sa nagpapaligaya, nagmo-motivate ng happiness. It’s a part of life. It’s a part of an artist. “Paano na, ‘di ba? Kapag nagpipinta tayo ay walang malisya tayo, ‘di ba? Siyempre, wala tayong malisya, ‘di ba? Kasi lahat naman tayo ipinanganak na hubad, eh. Walang hindi ipinanganak na hubad. Kasi ‘yung mga asawa natin hubo rin, kaya wala tayong problema.”
Nasubukan mo na bang magpinta na hubad ka rin? “Of course yes, and even my wife, too.”
Ah, ano nga pala ang style mo as an artist? “Ah, modern artist ako. Nagsusulat, nagpipinta. Kailangan kasi variety ka, marami kang ginagawa.”
Ilang na ba ang anak mo? “Ah, isa lang ang anak ko.”
Sa iba marami? “Pambili ng load marami, hahahah!”
Hahaha! Ano naman ang masasabi mo sa mga painters? “Ah, mababait naman. Hindi naman natin masisisi ‘yung iba kung bakit pumupunta sa ibang destinasyon. And since nasa modern times na tayo. Ngayon masuwerte ‘yung mga artist ngayon, kasi ngayon may mga cellphone tayo, may mga FB tayo, may gadget tayo. Eh, noon kasi, kailangan pa nating tumawag, magdala ng invitation. Eh, ngayon internet na lang. ‘Yun ang kaibahan noong araw. Pero ang kagandahan noon eh, napi-feel mo talaga na artist ka kasi may paghihirapan ka, eh. Eh, ‘yung mga artist ngayon eh, hindi naghihirap. Noon kasi bibitbitin pa natin, eh. ‘Di ba? Sa Philam pa noon.”
Simula noong 1990 hanggang 2013 ay humakot ng maraming pagkilala at parangal si Roland Rosacay na umabot na sa 43 awards kasama na ang Certificate of Awardees sa New York International Competition at sa Seoul, South Korea Exchange Exhibit at Certificate of Appreciation sa Film Academy of the Philippines.
Ito ang sa larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
E-mail: [email protected]
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia