MALAPIT NANG matapos ang pagpapalabas ng walong pelikulang entry sa Metro Manila Film Festival at isa nga rito ay ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo na pinagbidahan ni Robin Padilla as Andres Bonifacio pero ‘di pa rin matapos ang isyu sa role na ginampanan ni Jasmine Curtis-Smith na dapat raw ay para kay Kathryn Bernardo sa naturang movie.
Hindi naman itinanggi ng producer ng Bonifacio na inalok sa ka-loveteam ni Daniel Padilla ang role ng batang Inang Bayan ng Pilipinas pero ‘di raw magkatugma ang schedule ni Kathryn sa shooting ng movie.
“Dumaan kami sa proseso sa pagkuha kay Kathryn (Bernardo). Pinadala namin sa kanya ang storyline at nag-antay kami ng sagot hanggang sa makabalik siya galing ng America.
“Ngunit hindi kami tumugma sa schedule niya pero hindi namin siya pinalitan. Hindi na lang namin ginawa ang role dahil bagay lang ‘yon kay Kathryn. Ibang role ang ginampanan ni Jasmine sa Bonifacio,” pagtatanggol ni Robin kay Jasmine.
Anyway, nakuha man o hindi si Kathryn ay ipinagmamalaki ni Robin ang pagkakagawa ng kabuuan ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Humakot ito ng karangalan sa katatapos na MMFF Award Nights. ‘Yun nga lang, hindi ito masyadong pumatok sa takilya.
May isyu pang pinagtatalunan ngayon sa nanalong Best Actor at Best Actress na pinalunan nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado sa pagkakaganap nila sa English Only, Please.
May nagsabi na dapat daw sina Robin at Vina Morales na gumanap na Gabriela Silang na wife ni Bonifacio ang dapat daw tinanghal na Best Actor at Best Actress respectively at hindi sina Derek at Jennylyn.
May gulo pa rin hanggang ngayon na pinagtatalunan. Ang hindi raw pagbibigay ng magandang sinehan sa mga pelikulang Bonifacio at Muslim Magnum 357 ni ER Ejercito kaya hindi raw ito gaanong kumita sa takilya?
Ngayon na lang bumabawi ang movie nina Derek at Jennylyn dahil tinanghal itong Best Picture sa MMFF.
Well, magkakaalaman kung tama ba o hindi ang pagkapanalo ng actor at actress na napili ng mga hurado sa ginanap na MMFF Award Nights, kapag ang dalawa pa rin ang tatanghaling winner sa mga award-giving bodies na magaganap this year.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo