DALAWANG BABAE ATdalawang lalaki ang nag-stand out sa katatapos na press launch ng Final 14 Starstruck V finalists na ginanap noong Lunes – sina Nina Kodaka at Sarah Lahbati, at sina Piero Vergara at Rocco Nacino.
Maya’t maya, sumisigabo ang palakpakan mula sa audience na tuwang-tuwa sa mga sagot nila, lalo na sa question and answer portion. Actually, napansin si Sarah dahil siya ang pangalang madalas na banggitin ng female finalists kapag natatanong kung sino ang most likely na pinakamalakas nilang kalaban. “She has all the qualities of a winner!” Lagi nilang sagot. Nadamay tuloy si Raymond Gutierrez, main host, nang siya naman ang tanungin kung sino sa palagay niya ang babagay na maging leading lady ng kakambal niyang si Richard Gutierrez. Si Sarah rin ang kanyang pinili. Kailangan lang siguro ni Sarah na baguhin (with due respect to his dad) ang kanyang family name, for obvious reasons. Hindi tunog-artista.
Agaw-eksena naman si Nina sa interview portion. Madalas kasi, hindi niya alam kung paano sagutin ang mga simpleng tanong mula sa movie press. Haponesa kasi si Nina at dumayo siya sa ‘Pinas dahil gustung-gusto niyang mag-artista. Kahit malayo sa tanong ang sagot, pinapalakpakan siya. Cute na cute kasi ang dating niya. Sa tanong kung ano ang huling Tagalog movie na napanood niya, nataranta si Nina. Agad siyang humingi ng saklolo sa katabi. Mukhang maganda naman ang pakikisama niya sa kapwa finalists, kung kaya’t naambunan siya ng sagot. Sigaw, aniya na tumama naman dahil tinatampakun ito ng paborito daw niyang actor na si Richard Gutierrez, samantalang karamihan sa sagot ay Say That You Love Me na Richard starrer din.
Among the male finalists, wala kang itulak-kabigin sa kanila. Kaya lang, kahit anong competition ay talagang may namumukod. Machong-macho raw kasi ang real names nina Piero at Rocco at match na match sa kanilang personalidad.
Dahil worldwide ang Starstruck V this time, dumayo pa ang Kapuso sa iba’t ibang bansa, ganu’n din sa mga regional places dito naman sa sarili nating bansa. At tatlo ang nakuha nila sa worldwide auditions at dalawa sa regional. Lima lang ang half-breeds and the rest are pure Pinoys.
Walang pasakalyeng ginawa si Raymond sa umpisa pa lamang. In-introduce niya agad si Ms. Wilma Galvante, GMA SVP for Entertainment TV, para banggitin ang bagong handog ng top rating at award winning beauty-based artista search.
Napakahirap pala ang pagdadaanan ng mga finalists sa kamay ng season’s council na sina Direk Floy Quintos, Iza Calzado, at Lolit Solis, at ang mentors na sina Abbygale Arenas, Gina Alajar, Douglas Nieras, Jai Sabas at Barbi Chan.
SI JC DE Vera na pala ang ipapalit kay Tom ng PBB (Double Up), original choice ni Alfie Lorenzo para maging katambal ni Judy Ann Santos sa pelikulang gagawin ng Viva Films with Sarah Geronimo.
Dumaan siya halos sa butas ng karayom para mabigyan ng break si Tom. Pinasa siya sa limang tao kung saan na-ending kay Johnny Manahan. Pero hindi pa rin pinayagan ng mga ito na magkaroon ng pagkakataong maging leading man ni Judai si Tom.
May ginagawa raw kasi si Tom. Ang Cheating Hearts nina Jake Cuenca at Cristine Reyes sa Kapamilya station. Bagama’t hinayang na hinayang ang kaibigang Alfie, nagkibit na lang siya ng balikat. Tom’s loss is JC’s gain. At hindi mahirap kausapin ang manager nitong si Annabelle Rama. Basta, maganda at malaking break, at para sa ikauunlad ng career ng alaga, payag agad siya. Hindi na siya nagpa-power trip.
By the way, binigyan na ng surname si Tom ngayon. Makikilala na siya bilang Tom Rodriguez. Hindi kasi maganda ang tunog ng real family name niya. Mas maganda at macho ang dating ng Rodriguez bagama’t palasak na.
Ano kaya ang mangyayari sa team-up at love team nila ni Princess? Matulad din kaya sila kay Chx Alcala na madaling nakalimutan ni Sam Milby nang makatambal niya sina Bea Alonzo at Anne Curtis? O, maiba naman ang love story ni Tom?
BULL Chit!
by Chit Ramos