NAGSIMULA NA si Romnick Sarmienta ng shooting para sa Cinemalaya entry na Hustisya. Bida rito si Nora Aunor at si Joel Lamangan naman ang direktor.
Mapili si Romnick sa pagtanggap ng project. Kaya madalang siyang gumawa ng pelikula.
Nagustuhan daw niya ang script ng Hustisya na isinulat ni Ricky Lee. Karagdagang factor pa na si Joel Lamangan ang director nito na ilang beses na niyang nakatrabaho.
He’ll play the role of Marlon, isang journalist sa story na medyo straight-forward talaga at ma-pride na tao.
Ano ang koneksiyon ng role niya sa character ng Superstar?
“Magku-krus kami ng landas. At susubukan ko siyang i-convince na gawin ‘yong tama. Ano kasi siya, eh… girl Friday ng human trafficking.”
May pressure ba siyang nararamdaman habang pinaghahandaan niya ang mga eksenang makakasama niya si Nora?
“Uhm… half and half!” nangiting sambit ni Romnick. “Do’n sa mga taong nag-iisip na babalik ako. Tapos feeling nila may kailangan akong patunayan, gano’n. At the same time… wala. Wala naman dahil parang sa akin… sila ‘yang gumagawa. Walang problema. I’ll just try to be as honest as I can do’n sa character. Gano’n lang. Pero walang pressure. Kasi hindi naman ako naghahabol maging Daniel Padilla. ‘Yong gano’n!” natawang biro pa niya.
Bayaw ni Romnick Sarmenta si Quezon City Mayor Herberty Bautista. Kuya ito ng misis niyang si Harlene Bautista. At dahil magkakapamilya sila, hindi maiwasang matanong ng media si Romnick hinggil sa napabalitang short-lived romance nina Mayor Herbert at Kris Aquino.
Unang pinag-usapan ang picture na lumabas sa social media kung saan kasama sa dinner ng pamilya Aquino si Mayor Herbert. Kagaya ng marami, nagulat din daw si Romnick a ang asawa niyang si Harlene.
“No’ng lumabas ‘yong picture at nakita namin… oo nga, ano? Nando’n siya,” kuwento ng aktor. “Tapos nagtatawanan kami ni Harlene. Na ano kaya ang meron? Eh, wala namang binabanggit sa amin. So, hinayaan lang namin. And then things started coming out. Parang may binasa yatang announcement si Ms. Kris sa show niya, ‘di ba? Na according to that statement parang… ‘We both feel that we should be left and given our privacy.’ Kaya parang… ah, okay! Gano’n lang.”
Tapos hindi pa nagtatagal, all o a sudden ay may nai-post si Kris sa social media ulit na friends na lang daw sila ng hindi man niya direktang tinukoy kung sino ay binigyan naman niya ito ng initial na HB. Ano naman ang naging reaksiyon nina Romnick at Harlene na parang naudlot nga ang love affair sa pagitan nina Mayor Herbert at Kris?
“Hindi. Kasi after no’ng initial statement, lahat na yata ng social media binaha na ng reactions, eh. So, parang kami no’ng nabasa namin ‘yong mga reaksiyon… ang bilis n’yo namang magsalita. Gano’n. Kasi siyempre whatever happens, like you said… we’re family, eh. And we think it’s highly unfair for people to express their negative opinions. As early as no’ng madinig pa lang nila, meron na kaagad silang reaksiyon. Whether it be for the mayor or for Kris Aquino.
“Kasi hindi mo naman sila personal na kaibigan o kakilala, eh. And usually ‘yong mga personal friends, hindi naman hindi naman mag-i-statement ‘yan sa mga social media. Kakausapin muna ‘yong tao, ‘di ba? If you’re close to them, you can probably tell them what you think or what you feel. Pero to flood social media with negative reactions for both parties, unfair sa kanilang dalawa ‘yon. Parang gano’n. Iyon ‘yong feeling namin.
“It’s… I think sa akin more than anything parang… hayaan n’yo muna. Give them space. Give them time to work on it. Hayaan n’yo lang. Tingnan natin kung saan pupunta, ‘di ba? Hindi ‘yong… ‘yong iba parang minamadali. ‘Yong iba nagdya-jump na into onclusions na… may mga plano ‘yan, maggagamitan ‘yan. Or sasabihin ng iba, hindi sila bagay. Na… ay hindi dapat si Mayor, hindi dapat si Kris. Puro mga gano’n kaagad. Anong alam n’yo, ‘di ba?”
Ganyan?
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan