MANANATILI SA ADMINISTRASYON ni President-elect Benigno “Noynoy” Aquino III ang isa sa pinakamatagal na nagsilbing Gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, si Foreign Affairs secretary Alberto Romulo.
Nagsilbi na rin dati bilang Executive Secretary ni Arroyo.
“He (Aquino) asked me to remain in the Cabinet. I am honored and I have accepted, ’’ sabi ni Romulo sa isang panayam sa kanya matapos ang maikli niyang pakikipagkita kay Aquino kahapon sa tahanan ng nito sa Times Street sa Quezon City.
Sinabi ni Romulo na hindi siya binigyan ni Aquino ng time limit sa kanyang panunungkulan sa Department of Foreign Affairs, taliwas sa ispekulasyon na binigyan lamang siya ng isang taong ekstensiyon o pagpapalawig sa puwesto hanggang sa matapos ang one-year ban sa mga natalong kandidato, tulad ni Senador Mar Roxas II.
“There is no period of course. You know all of us serve at the pleasure of the president,’’ aniya.
Isa si Romulo sa mga nauna at iilang miyembro ng Gabinete ni Arroyo na nagpahayag ng suporta sa pagtakabo sa pagka-pangulo ni Aquino noong 2009.
Pinoy Parazzi News Service