Isa sa aabangan sa “Voices: The Concert” nina X Factor Israel Grand Winner Rose “Osang” Fostanes at X Factor finalist at Discovery Music Pop Festival 2nd placer Angel Bonilla na gaganapin sa Zirkoh Tomas Morato, QC sa Aug 24, 9 p.m. ang singer/actor na si Ron Mclean.
Grabeng preparasyon daw ang ginagawang pag-eensayo ni Ron para mas maging maganda ang kanyang magiging pangtatanghal sa nasabing konsiyerto, lalo na’t alam daw nito na mahuhusay ang kanyang makasasama rito.
Very thankful nga raw si Ron dahil nakasama niya ang mga Pinoy international singer na sina Rose at Angel bukod pa kina Michael Pangilinan, Osang, at co-star sa “Walang Tulugan” na si Marika Sasaki.
Makasasama rin nito sa nasabing concert sina Idolito Dela Cruz, Mei Cruz, The Fabulous Girlfriends, Brat Boys, Zero Ground, at Four Dimensions. Ito’y suportado ng BeautéDerm, Aficionado Germany Perfume, Joel Cruz Signatures, Fernando’s Bakery, Ysa Skin and Body Experts, UniSilver Time, Sogo Hotel.
Bukod sa nasabing concert, mapanonood din si Ron sa August 20 sa Kapuso Foundation Bloodletting sa Ever Commmonwealth at sa August 28 sa P-Pop Boy Groups On Tour sa Starmall Alabang.
John’s Point
by John Fontanilla