Puwede siguro na tawagin na ‘The Next Important Star for 2017’ ang guwapong si Ronnie Alonte.
Bukod kasi sa isa siya sa mga sikat na member ng all-male sing and dance group na #Hashtags na napanonood sa noontime show na “It’s Showtime” sa Kapamilya Network, sa dinami-rami nila, siya lang ang mapangahas na magso-solo concert sa Kia Theater nitong December.
Kung hindi ako nagkakamali, siya ‘yong binigyan ng break sa MMK na nag-solo lead sa isa sa episodes ng drama anthology na naging usap-usapan at pumalo sa rating.
Sa mga baguhang artista na nagsimula (more or less) nitong 2016, isa si Ronnie na nag-stand-out.
Ang guwapo niya sa standee ng concert niya sa Kia na nakikita naming palagi sa may bandang Gateway Mall. Awrang-awra si Ronnie na kahit sinong babae, lalo na ng beki, maaagaw niya ang atensyon.
Pero daring si Ronnie. Siya lang yata ang baguhan na sa dalawang pelikula ng MMFF 2016 ay kasama siya at siya ang bida.
Sa nag-iisang horror movie na “Seklusyon” ni Direk Erik Matti, bida si Ronnie.
“Nagpapasalamat nga po ako sa Reality Entertainment at kay Direk Erik sa malaking break na ito. Pero horror movie po ito. Kung nakita n’yo na ang poster ng movie namin, matatakot ka,” sabi ng baguhan.
Aminado si Ronnie na iba ang feeling niya noong sinu-shoot nila ang “Seklusyon”.
“Takot ako sa multo, kaya medyo nahirapan po talaga ako, pero nagawa ko pa rin po talaga. In real life takot talaga ako sa multo,” sabi niya.
Sa isa pang MMFF 2016 entry niya, pambagets naman ang tema, kung saan sina Julia Baretto at Joshua Garcia ang makasasama niya na entry ng Star Cinema.
Aminado si Ronnie na type niya ang beauty ni Julia. Sa katunayan, crush din niya ang dalaga.
Hindi kaya during their promo ng MMFF 2016 entry nilang “Vince&Kath&James” sa direksyon ni Ted Boboral ay mahulog ang loob ng binata? The fact na kapag palagi mong nakikita ang crush mo, mas napalalapit ka sa kanya at puwedeng mag-level up ang “crush” lang to something more romantic.
Napangiti lang si Ronnie. Hindi niya alam ang kanyang isasgot. “Siguro. Bahala na. P’wede naman po, ‘di ba?”
Reyted K
By RK VillaCorta