UMANI NG papuri at good reviews ang directorial debut ni Ronnie Lazaro na Edna nang magkaroon ito ng special screening sa katatapos na Cinemalaya sa CCP sa lahat ng mga nanood. Bagay na labis na ikinatuwa at ikinataba ng puso ni Ronnie. Bida sa nasabing indie film si Irma Adlawa sa role nito bilang isang OFW.
Bakit nga ba ngayon lang siya nagdesisyong magdirek na rin ng pelikula?
“I never wanted to be a director,” sabi ni Ronnie. “Kapag tinatanong ako dati ng mga friend ko… why don’t you direct? Sabi ko… ang dami nang director. But I call it destiny. My life is always that (destiny). I never desired to be an actor. Many parts of my life is directed to flowing with the universe.”
Sa pelikulang Edna, doble ang kanyang task. Hindi lang siya direktor kundi artista rin dahil gumaganap siya bilang asawa ng character ni Irma.
Mas mahirap? “It’s not really that. I have it already because it’s my concept and I know the story. So, I just… being an actor, I can shift. But there is this one scene na napa-react ako kung bakit walang nag-cut. Sabi ng production people… Direk, ikaw ang magka-cut, e. Ako nga pala ang nagdidirek!” natawang kuwento pa ni Ronnie.
Personal ba niyang choice si Irma para sa lead role? “My only actor in my mind right away when I conceptualized this was Irma Adlawan. The rest of the cast, we picked them up along the way.”
Bakit si Irma? “She’s a dream friend. We’ve worked for a long time. We’re very good friends. This is what’s strong in the team, e. Friendship. And Edna is a product of collaboration, of friendship, and having fun while doing it.”
Dahil maganda ang feedback sa una niyang pelikula, tuluy-tuloy na ba ang pagdidirek niya? “If destiny brings me there. Only life can tell.”
Sino ang mga artistang dream niyang sunod na maidirek? “I don’t want to mention names. Maraming magtatampo!” tawa ulit ni Ronnie. “I am surrounded by many great actors. So, I just play around with that.”
Marami pa rin ang nakaaalala sa markang iniwan ng pelikulang Boatman na ginawa niya noon. Ito’y hindi lamang dahil sa sobrang daring, sensitibo, at mapangahas na tema nito kundi maging sa husay ng kanyang portrayal bilang isang bangkero.
“Gusto ko ngang kausapin si Robin Padilla, e. Gagawa kami ng pelikula… Boatman And Robin!” napahalakhak na biro ni Ronnie.
Target daw nila na maiikot sa iba’t ibang international film festival ang Edna. “Inaayos pa namin ang tungkol dito. Ferdie Lapus is the one getting us there. And we’re still waiting. We hope we get into the MMFF (Metro Manila Film Festival) for the new wave category.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan